Wednesday, December 5, 2012

December 5, 2012

Nanlalamig ang mga paa ko ngaun. ..

Hindi ko alam kung dahil ba sa worries ko, sa hindi pagkakaroon ng control sa buhay ko. Wala nanaman akong pera.
Kagabi nanaginip ako na ako si Sam Fisher ng splinter cell... nagtatago sa dilim. Hindi napapansin ng mga enemy sentries. Muntik akong ma detect, pero nakakaligtas ako hanggang nung may ininterrogate ako na isang mama. Hinatak ko sya papasok sa banyo ng building. Maya maya pa ay may pumasok na empleyadong babae at sinenyasan ko na wag syang sisigaw at aalis ako kaagad ng mabilis. Ngunit tumakbo pa rin ito papunta sa mga tao sa building na nagudyok sa akin na patumbahin ang ni hostage ko at madaling tumakbo palabas ng building. Pababa ng elevator ay nakasakay dun ang tropa at boss na enemy ng unit ko. Pababa ng elevator habang ako ay dumadaan lamang sa hagdan ay tinukso ko ng tinukso ang bossing ng kaaway ko. Hanggang makatalon ako pababa ng building at pagbagsak ko sa baba ay sakton nandun ang girlfriend ko na agent na hawig pa ni Sandra B. Hahaha ang saya.

Gusto kong takasan ang problema. Gusto kong makahinga. Gusto kong ma endure ang pain at suffering... hindi ako pwedeng sumuko.. wala rin akong choice kundi ituloy ito. Mga taong sa akin ay hindi rumerespeto. Nakakapanghina. Nakakalungkot.

Ngaun, December 5, 2012.... 2 days n lang at kailangan ko nang umalis sa aoartment na tinitirhan ko. Kailangan ko mabayadan ang natitira kong balance. Kailangan ko rin ng pangdown sa bago kong titirhan. May utang pa ako sa tindahan malapit sa trabaho at sa ahente.....

Nakakasawa na talaga minsan. Alam kong wala namang masisisi kundi ang sarili ko. At kung tatanungin mo ako.... hidni namn ako nag eenjoy sa buhay ko... masaya ako dahil may tennis, pc, tablet at gitara. Pero may kulang. At palagi akong kapos sa budget.

No comments:

Post a Comment

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...