Saturday, April 21, 2012

USB

April 20,2012 7:32pm


USB Lampshade nakaconnect sa USB Wall charger. USB Speakers at USB Keyboard naka connect sa USB Hub na nakakabit sa Data transfer box ng android tablet.


Ako...... Nakakabit, nakakapit, nakadikit, umaasa.


Kadadarint lang ng Girlfriend ko. Tapos na kami mag hapunan ng barbeque at pechay baguio. Busog. Naantok na nga ako e. 


Ahm... kanina? Sa office. Biglang nangulit ang Boss ko sa akin. Ewan ko anggulo gulo nya ngayon araw na to. Bigla din tuloy ako napaisip na mag simula na mag apply sa ibang company. Yung company na deserve ko at deserve ako.


Sa sobrang gulo ng isip ko, bumabalik na lang sa zero. Zero emotion, zero thought. Ambilis bilis ng oras. 8:23pm na kagad samantalang kanina 7:12 pa lang.

Friday, April 20, 2012

Gusto ko, kaya may paraan.


April 20,2012 1:39am

Kakatapus ko lang gumawa ng ice candies. 16pcs nga lng nagawa ko kasi naubos na pala plastic bags ko. Ahm anung nararamdaman ko ngayon? hindi ko alam eh. Parang halong nasasanay na sa mga bagay na sinasabi ni Mary na masakit para sa akin at yung parang lumalayo na ang loob ko sa kanya. Nagulat ako nung April 17 ng gabi nung kinonfront ko siya tungkol sa mga gawain ditosa bahay na sana ay mapagtulungan namin at hindi yung lahat na lang ang ako ang gumagawa. Dami nyang aliby. Pagod, masakit ang katawan, wala sa mood, gagawa muna ng assignments, pagkatapus nya na lang mag games sa laptop nya etc. etc.

Hay ewan ko ampanget lang talaga sa pakiramdam thinking na andami ko gawain at resposibilidad. Sa office nga e andami ko nang hindi mahabol na reports at kailangan ko pa ma impress ulet ang bosses ko dahil kailangan ko makabawi sa mga pagkukulang ko sa work (absences at late).

Ngayon hindi ko alam kung ano ang mangyayare bukas. Kaninang umaga kasi galing ako sa pangasinan branch ng althea. Dumating ako dito sa bahay ng 7am. Kumain, tapos suppossedly iidlip lang dapat ako kaso nung nakatulog ako, 1pm na ako nagising. Galit pa man din sa akin si Ma'am Vangie kahapon dahil tanghali ako umalis papuntang pangasinan na neexpect nya ay 6am pa lang dapat nakaalis na ako. hindi ko naman masabi kay Ma'am na may iniiwasan akong tao doon kaya gusto ko talaga gabi kami mag trabaho ni Sir Mike which is mas okay naman kay Sir Mike. Dumating ako sa office namin dito sa novaliches mga mag 2pm na. Kaya hindi na ako nag time in. Nag check na lang ako ng emails ko at news feed sa facebook.

Nung nakita ako ni Ma'am, ramdam ko na frustrated na sya para sa akin. Patay malisya na lang siya nung nakita nya ako pag pasok nya sa room ni Windel. Tinawag ko si Ma'am bago masara ang pinto pag labas nya tapos sinabi ko kung bakit hindi ako nakapasok ng maaga. Tinapos kaagad ni Ma'am yung usapan namin sa pag sagot nya ng "Oo okay lang, okay lang". Pero ang weird sa pakiramdam ko na frustrate ko ang boss ko. :(

Mahilig si Mary manood ng Movie lalo na mga Romantic drama at iba pa. Tapos bigla bigla na lang siyang iiyak or gagawa ng eksena na ma drama. Minsan iniisip ko dinedepende nya yung mood nya ayon sa movies na napanood niya.

Hindi ba talaga pwedeng maging stable siya? Yung matured mag isip at cute the same time? ang nangyayare kasi pag matured siya, sobrang matured. Kapag isip bata naman sobrang pa baby naman (although baby ko naman talaga siya) minsan kasi parang sumosobra sobra kasi. :/

Laftrip naman tong tugtog sa kapitbahay ngayong disoras ng gabi at gumagawa ako ng blog, "Ako'y sa iyo, ika'y akin". :/

Umuwi na kasi ng Bicol yung nag iisa kong Bestfriend at kapuyatan ditong si pareng Jaymar. Wala na tuloy ako ka Jammin' hayyyyyy. Sila Peter naman anglalayo ng mga bahay.Medyo nagutom ako. buti na lang may RC pa sa ref at Piatos.

Kaninang gabi, nag text at call ang girlfriend ko. Nag ssuggest siya ng breakup. Ewan ko kung matutuwa pa ako o maiinis. Ang nangyare kasi, wala ako maramdaman. parang halong inis sa pagiging unstable ng decision nya at pagiging weak. madalas nahihirapan na lang ako.

Drama nanaman siya. Hihinge ng sorry pagkatapos. :O inaantok na ako. Hayy basta hindi ako naging masaya ngayong araw na ito. Andameng kulang. ultimo yung nag iisang pinagtatyagaan kong maka jammin sa canteen hindi rin ako pinakinggan sa pag tugtog. Tinuruan ko lang siya mag gitara. Kailangan ko makapag relax. Kailangan ko ng output. hindi ko kailangan ng drama ni Mary ngayon dahil ako ay hindi rin masaya. naghahanap ako ng mapapaghingahan ng stress hindi pampa dagdag ng iniisip.

kaloka.

antok na talaga ako.

Next time na lang ulet.

-ram

Friday, March 30, 2012

Anu ngayon? hehe

March 30, 2012 11:02am

Matagal na naman bago ulet bago ako nakapag open ng blog. latest ko ay ung sa isang page kutsilyonilenlen.blogspot.com. Lyrics yun ng latest kong composition na nabuo galing ang inspoirasyon sa wallpost ni annalyn lazaro na sinamahan ko ng life experiences ko nung bata pa ako.

Isang dahilan kaya nakakapagblog ulet ako ngaun ay dahil kakaalis lang ng girlfriend ko. haha.

Well ako ngaun ay may bagong business, Ice Candies. Okay naman mabilis lang nauubos mga deliveries ko and hoping na maubos dn kagad ung deliveris ko kanina. kwento ko ulet wwork muna ako. :) bye

Friday, February 10, 2012

Ngaying gabi. Isipin mo naman ako

Ang hirapnaman mag isip ng sasabihin ngaun. ang ingay pa ng kuliglig. :/

Kung bakit ba tayong mga Pilipino ay sadyang nasanay na ihango ang buhay sa pelikula? haha. Instead na pelikula ang ihango sa tunay na buhay e baliktad kadalasan ang nagyayare,

Madaming mga tao ang umaasa na magiging okay ang lahat na kagaya sa bawat ending ng nakasanayang teleserye. Hmmm. hmmm.hmmm.. anlayo nun sa tunay na buhay: mga happily ever after, till death od us fart, habambuhay tayong magkaibigan, hindi kita iiwan, kahit parehas na tayong malayo ang marating at magkapamilya kaibiganpa rin kita, hindi kami lilipat ng bahay dahil gusto ko malapit lang ang bahay mo sa amin, ahmmm. anu pa ba? palagi akong maglukluto ng sopas, magtatanim ako ng magtatanim ng okra. mamimitas ng kasoy. tatakbo at aakyat sa puno ng bayabas, kapag sinagot mo ako ikaw na ang papakasalan ko, sana magka lakas na ako ng loob na sabihin yun sayo (Hakhakhak).

Kung sabagay andali nga naman makalimutan ng kaunti ang stress at problema sa pamamagitan ng pag hanga sa pelikula. Minsan an sarap isipin na ako si spider man na mag sswing swing sa syudad. ahm paraan para makaalis sa unstable na kalagayan.

Pero anghindi madalas mapansin ng tao ay kuing gaano kahaba ang storya. hmmmmmm natatawa ako kpag naaalala ko yung twilight na ang girlie ng storya at wlang action. magpapakita pa ng abs ang artista. hakhakhak. nag post nga ako sa wall ko sa facebook e: team edward? team jacob? team selene! hakhakhak pero kahit ano pa man ang kategorya ng buhay. palagi nating kailangan mag move on. move sa next scene. both kailangan i let go. masaya at malungkot. upang magkaron ulet ng bagong mga masasaya at malulungkot. kagabi ko sinimulan ang blog na ito. kaso lumapit sa akin ang kapitbahay koat knausap ako tungkol dito sa tablet ko. tapos nun inantok na. kaya, heto ngaun ko lang ituloy. nag text si mary kakatapus nya lng daw mag jogging. 17th monthsarry na namin ngaun february 11 :) hnd p kmi magkikita ngaun dahil nasa ulb xa at napagusapan namin na sa 14 n lng kmi mag kita para saktong valentines day. hehe sana makapag dala ako ng bulaklak. :) sa loob ng 17 months andame nang nangyare. angdaming kategorya. may romance, drama, action, suspense, .... porn. hakhakhak. pero habang tumatagal lalo xang gumaganda. lalong nag mamature ang beauty ng girlfriend ko. ako naman daw ay tumataba hehe. and im so happy kc for the first time may nakapansin naman na tumataba ako. lagi n lng kcng snsabing ampayat ko. sana lagi ko syang mapasaya. sana isipin nya ako palagi. para lalo nya akong mahalin.

Wednesday, February 1, 2012

Ayaw ko nang bumaba sa byaheng ito


January 31, 2012
6:03am

Last day of the month. Nasa bus aq ngaun. Kkahatid lng ulit ky mary. Pagkatapus ng sangkatutak n drama. Okay n kmi ulit. Somehow alam q nmn dn n maaayus p rin ang mga problema nmn.

Ambils ng byahe. Ilang kilometro n kgad ang layo nmn s isat isa. Pa south bound ang byahe nya, aq nmn pa norte. Parang ksing bilis ng pag lampas nmn s mga issues at obstacles sa buhay. Kaninang 4:30am naikkwento ko p s knya  ung luma nming bahay nla mama na nibenta  n. Naalala nya dw tuloy ung isang story s maala-ala mo kaya n kwento dw ng isang bahay ng isang pamilya. After daw malugi at mawalan ng resources ang family na un naibenta ung malaki at mgandang bahay na  giniba at  ginawa nang  gasoline station. Ang lungkot daw kasi andaming good memories ng bahay na iyon. Sabi ko everytime n makapanaginip aq na tungkol sa family ko laging sa lumang bahay nmn na ngayon ay nabenta atna renovate na.

Ayaw ko isama si mary sa lugar na yun kasi andaming nang gago dun ngayon. Mas lumala n daw ang gulo dun sa dati naming tinitirhan dun sa bagong silangan. Kaya nga masaya ako sa apartment na tinitirahan nmn n mary e. Anlapit sa work ko wala pang magugulo.


Wednesday, January 25, 2012

My Heart really hurts. i think you broke it.


January 25, 2012
8:57am

Nag-away kami ng girlfriend ko nung isang gabi pa. This time medyo mahirap palagpasin na okay lang kaagad lahat. Ng-forward sya sa akin ng text.

binalik ko rin sa kanya yung tinext nya:
Mary:   "Xempre may pros and cons nmn pag 
             may bf. Sa tingin ko lang ksi, nsasawa 
             ako sa convrsations nmin mnsan ksi 
            nkakahon lng ung interest nia sa
            gadgets, video games."


_______________________________________
Mary:   Ano msasabi mo?

Ram:    Iwan mo na ako

Mary:   Gusto mo?

Ram:    Gusto mo?

Mary: Ayoko. E ikaw, anong balak mo tungkol sa sinabi ko?

Ram:    Talaga?
Inisip m b yan bago mo I forward ang msg n un?
Sawa na rin aq I entertain ka.
At nahihirapan aq makausad s buhay q dahil nahahawa aq s katamaran at insecurities m.
D m na ma take. D m ako tanggap kung sino aq. At alam na alam mong namumuhi aq s bugkos.

Mary:   Fnorward q un para pag usapan ntin ng maayos sna.

Ram:    Alam m bng wala kang kwentang gf?
Hnd n tanung kung mahal m p b ako o hnd kc feeling q hnd n mg wworkout ito.
After ng gnwa m sakin guto m pa baguhin q pagkatao q para lang maging masaya ka. Grabe nman demanding nun.

Mary:   Kelan mo pa balak mkipagbreak skin?

Ram:    Snsbi mong ayaw m para ma save ka na atleast "hnd ikaw ang nkpag break" ambaet m nman.

Mary:   Hndi mo ba q binago?

Ram:    Hnd kta binago. Inispoil kta masyado.

Mary:   Tumawag k nmn pls.

Ram:    Ayoko na munang marining boses m. Naiirita ako.

Mary:   Hndi nmn tlga aq nkikipagbreak. Hndi rin ako galit. Hindi ko alam kun bkt prang mtagal mo ng 
            tnatagao ung mga snabi mo.

Ram:    Mpanget ng ugali m. Wla k pakielam kung anumang marmdaman q after m mg text.

Mary:   Mahal kita auq mkipagbreak. Tnxt q un pra mg usap ng matino. Ikaw ba, mahal mo pa ba ako? Gsto mo na ba tlga      mkipagbreak? Ksi prang pnili mo ng tingnan lhat ng posibleng dahilan pra iwan aq.
Ngtanong ako kung ano msasabi mo. Wla ka nmn snasabi dating nraramdaman mo, kya pano q rin malalaman?
Alam mo nmang gnwa q ang part q pra maging maalam din sa mga hilig mo, kya pano mo nsabing d kta tanggap ? Iniisip q lng nmn sna ang opinion  mo sa maliit kong prob pro andami mo n plang issues na now mo lng nlabas.

Ram:    Anu daw?

Mary:   Anung anu daw?
Mahal mo pa ba ako?
Nakikipag break ka na ba?
Pano q ba mapapatunayang mahal kita at gusto ko lang maging maaus tayo?

Ram:    Boring n rin aq akala m b. Ahm npansin q pala ngaun lng kaya dn aq hangan s mga asian models ay 
            dhl s atitude nla habng nsa shoot ng photo. Confident cla kung cno cla at alam nla ang panget at 
            maganda at naniniwala clang maganda cla.

Mary:   Iwan mo man ako o hindi, pnapangako ko sa 'yo na magiging kasin confident at successful din nila 
            ako. Para kung magbalikan man tayo, matutuwa ka na sa kin.

Ram:    No you can't.

Mary:   (Forwarder message)
Nakikipagbreak skin ang bf q. :( mahal na mahal ko naman siya e. At gsto ko maging best hndi lang bilang gf pro bilang estudyante para sa amin.

Ram:    Cno naman k txt m?

Mary:   Sana, sa pakikipagchat mo sa mga friends ko, naitatanong mo rin ang mgandang qualities ko.

Ram:    Hnd n kailangan.

Mary:   Si euna.

Ram:    Cge pa. Txt m pa xa. Magsama p kayo.

Mary:   You are a goal and an achievement at the same time. You'll always be a dream that come to life. 
            And US is a blessing worth celebrated everyday. I'm sorry if I failed you.

Ram:    Dahil s mga nangyare noon kaht knta hnd n aq mkgawa. Dahil alam kong gagamitin m un laban s  
            akin. Bgsak n bgsak n  ang momentum q s music
Naisip ko rin naman. Hnd m rn talaga ma apreciate ang music q dahil ang trip m mga baduy.

Mary:   Panong gagamitin laban sayo?
Kung alam mo lng, gsto ko ng mgmakaawa sayo pra wag kna mkipaghiwalay.

Ram:    Pinag iisipan q pa kung tama b tlga ang dsisyon q n tanggapin ang nagawa nyo ng ORGMATE Mo!
After kc nun prang msyado knang ngin confident na okay lng lahat kht anung kalokohan gawin m o kht anung sbhn m okay lang.

Mary:   Wag mo akong iwan pls.

Ram:    Kapag napili ko na iwan ka, wag ka mag alala, mgmmukhang parang never kta nakilala at never m       
            aq nakita s buhaym. Na may kasamang galit s puso ko na syang magpapa pursigi n hnd ka lapitan   
            kailanman.

Mary:   Ano bang ngawa at nsabi ko ulit na kasing mali nun? Pls. ayusin natin 'to. Nvr no akong nagflirt of
            kht anong mkakasama stin aftr nun, school at extra curicular lng inaackaso q. dadii pls..
Dadii pls. wag mo akong iwan :'(
Auqng mwala ka sa buhay ko. Pinaglaban na kita sa pamilya ko, sa school ko. Pls. Prang awa mo na. Mahal na mahal kta. Pls. Dadii. Pls.

Ram:    Tinitingnan ko ngaun ung mga cute n pictures m na ni-sort ko kanina sa isang folder. At png iisipan 
            ko kung panahon n b para...............

Mary:   We'll live together on diff. sides but we'll keep together "you and i'...I know we're gonna find our 
            way.

Mary:   Iwan mo man ako, hnd ka na mabubura sa puso ko. Ikaw lang naman ang napagdesisyunan kong 
            mahalin buong buhay ko.
Iwan mo man ako, hihintayin pa rin kita.

Ram:    Wag k mg pretend n hnd m ksalanan ito kung sakali. Nsasawa n aq s paulit ulit n argumento natin n 
            bandang huli inisip m p rn n ikaw ang tama.

Mary:   Alam ko nag fail ako. At kasalanan ko. Kaya nagmamakaawa ako sa yo, na sa kabila ng ng lhat ng 
            pagkukulang ko, sana  tanggapin mo pa rin ako. Pls.
Nagmamakaawa ako kasi mahal kita at balewala ang maliliit na hndi natin pagkakasundo kumpara sa hangarin kong makasama ka at mahalin ka.
Pinilit kong maging kasing ganda ng asian models hnd dahil insecure lang kundi dahil bka iyon ang gusto mong ktangian ko physically. Pra sau rin nmn ang efforts ko. Pls dadii.
Alam ko sa sarili kong mahal kita at di kta kayang iwan. Kung buburahin mo ako sa buhay mo, sna bgyan mo muna ako ng chance na makita ka.
Kung iiwan mo ako, nsayo pa rin ang puso ko. Mahal na mahal kita, Kung alam mo lang.
Dadii, kung yaw mo na talaga sa akin, sana pwede pa ako jan pumunta atleast after 1yr. By that time cguro, kaya na rin kta gtarahan at pwd na kita ligawan. :'(
Malungkot ako kasi hindi ako nkabuti sayo at sa sarili ko. Tanggapin mo man ako o hindi, ipagpapatuloy ko pa rin ang pagpupursigi ko at magkakaroon parin ng music room sa future haus q.
Sna mapatawad mo ako someday. At sna makamit ko pa rin ang successes mo. Masaya ko na ikaw ang naging bf ko. At nakakahiya na nasira ko un. Sorry
Meron mang maliliit na rason para maisip na iwan ka, hindi ko pa rin un gnagawa dahil pnanghahawakan ko ang pnakamalaki't nag-iisang rason para ipaglaban ka. at un ay dhil mahal na mahl kita.
Never kong iggive up ang taong matagal q ng pinagdarasal at dumating nga, ang taong sa loob ng mahigit isang taon ay parang nakasama't minahal ko na buong buhay ko.

Ram:    Shhhhhh

Mary:   Someday, I'll be the best of who/what I (and you) want me to be. By that time, sana u already will 
            deserve me.

Ram:    Wag k muna mg text pls? patulugin mo aq.

Mary:   Hbang buhay kang hhintayin ni mming.
Mahal na mahal kita. EphraI'm Panizales Cadag. Yayakapin ka lagi ng love ko.
Please, don't giev up on Mamii.

The next day>>

Mary:   Dadii..patawarin mo na 'ko. Wag kna mgalit pls.
Sabihan mo nlng ako 'pag willing kna mkipag usap. Basta mahal na mahal kita at handa akong baguhin ang mga dapat baguhin pra sa relationship ntin. :***
We love each other very much. At thank you for letting me show u my feelings and thank u for showing it. ever since I met u I felt dat I'm not just living for myself. thank u for coming into my lyf. maybe I hated god for may things but I want to thank him for giving me you.... I love u dadii
mahal na mahal kita...sna maintindihan mo ako. prang awa mo na ibalik n ntin ung dati. hindi ko kayang mawala ka. pati ang pagka sweet ntn. hnd ko kayang mawalaka. please please please? hind mtahimik ang puso't isip ko. :(
Pls. patawarin mo na 'ko. Pls. auq at di qkayang mwala ka. I'll be much better na. Npagisip isip q na immaturity q at iba pang negative ang I know it's my fault. Pls gv me another chance
Mami don't give up on dadi ha... Dadii, don't give up on me.

Ram:    Ayaw kong sinasakal aq. Kung gusto m tlgang mahalin pa aq, kylangan mng maintndhan n 
            videogames at gadgets ang     buhay q. kung ang mga stress outlet q aalisin m pa Anu gusto mo 
            gawin q mabaliw n lang?

Mary:   Sorry n talaga, mahal kung nagin makitid utak ko. Ayokong alisin mo un, I'm really sorry. Sorry 
            kung hindi kta naiintindihan mnsan. Sorry tlga :(
I miss you so much.
Kain kna gabihan, mahal. :*

Ram:    Mahal kita.


12:03pm
kakatapus lang kumain ng tanghalian dito sa canteen ni ate Emer.

Higop ng sabaw ng sinigang. hindi ko pa tinetext si Mary. Wala pa ako sa mood.

Tumawag si Mama kanina. kaillangan niya na daw yung 500 niya na hiniram ko last 2 weeks ago.
Pano naman kasi supposedly ipapadala ko na sa smatmoney un last saturday kaso emergency din kay lois na nasa ospital naman sila by that time. Ang hirap mag desisyon kung sila mama ang pipiliin ko o ang kapatid ko. mag tatatlong taon na ang nakalipas simula nung nag away sila at pinagganggol ko ang kapatid ko mula sa pamilya namin. Naawa ako sa kapatid ko na yun dahil sa kabila ng malaking sahod nya sa work nya as Debt Consultant, pinapambayad nya lang naman sa ospital dahil sa sakit nya sa puso at hika. May sakit ang kapatid ko maging sa heart nya. Sakit na hindi malulunasan ng anumang gamot. Sa klase ng trabaho ko at rate, kailangan ko talagang pag isipan ng maigi bago ko gamitin ang pera ko. Kailangan ang bawat desisyon ay maging tama dahil kung hindi kung ano anong problema ang kapalit. Number one dyan ay ang pag gamit ng pera.


Monday, January 23, 2012

Na miss mo ba ako?


January 23, 2012


4am . Hello! Pasensya ka na ngayon pa lang kita mababati ng Happy New year. Be 22days lated  na lang sa 'yo haha.
Kumusta nga pala ang buhay nung wala ako?

"Na miss mo ba ako?", tanong na andaming maaaring maging meaning. Sa girlfriend ko bawal ko sabihin yun sa iba girl. Sa friends ko xempre oks lang. Sa nanay ko malamang mag dadrama nanaman yun at ipaparamdam na nagsisisi sya sa desisyon nyang mali tungkol sa akin last last year at nakokonsensya nanaman daw siya (Hihinga lang ng konti sabay uutangan na ako). Ahm buti nga ngayon ako naman ang may utang sa kanya. Hindi ko na sinasabing utang ko sa kanya ang buhay ko dahil bilang magulang responsibilidad naman niya talaga ako nung bata pa ako. Pero, edukasyon? ahm hanggang 2nd year highschool nya lang ako nakayanang paaralin. halos the whole year sariling kayod ako para makapag aral. Ate ko tinulungan din ako. Hindi na ako nagsisimba ngaon. Minsan namimiss ko rin ang mga churchmates ko. Tsaka ung bonding at banda. Kukumustahin ko silang lahat sa isip ko. Pero magtatago pa rin ako sa kwarto ko. Kasi di bale nang walang masyadong friends, payapa naman ang mga araw ko. Kung may problems naman ang bawat tao. pwede bang minsan sa kanila na lang yun? Sa Church kasi hindi naman sa pag aano, halos puro emotions na lang at palaging may exceptions naman. Wait lang ha bilI lang ako ng pandesal sa bakery sa tapat. maya maya magsasarado na kagad yun e.

Hayy naku.. wala palang pandesal today. Sarado ang bakery hahaha.

"Na miss mo ba ako?".... tanong na palagi kong tinatanong sa isip ko. Ibig kong sabihin ano ba ang kakulangan kung wala ako. O mahalaga pa ba ako sa kung sinomang tao?

Buhay kong pinili ay ahm.. ewan ko ba  medyo marami rami na ring taong nagsasabi na ibahin ko ang lifestyle ko,
Computer sa umaga. Computer sa gabi. Tablet Pc ang katabi sa pagtulog. Tablet PC na may kasamang cellphone ang dalawang gadget na nag rring sa umaga. Antamad ko kasing gumising e.

Minsan kailangan ding gulatin ang tao para mapansin an kanilang pagkukulang. Minsan ang tao naman mismo ang naghahanap ng panggugulat. Kagaya na lang sa mga taong mahilig manood ng horror films.

Nung isang gabi nanood kami ng tropa kong bagon lipat sa 2nd floor nitong apartment si Jaymar. Astig din yung tao na yun e. Laging may bago at magagandang movies.

Kapag nagbabasa ako nang mga nakaraang taon na blog ko, para na rin akong nanonood ng pelikula, hehe bakit kamo? kumpleto e. may Action, Drama, Comedy at iba pa. Nakakatuwa rin isipin na nalagpasan ko na ang mga yun.

Hilig ko nga uminom kasama old friends ko na habang pinaguuusapan namin ang mga kwento nung mga bata pa kami.

Ngayon ang tahi tahimilk dito sa kwarto/ mesanin ko. Ang tanging maingay lang ay ang tunog ng orasan na nakapako sa itaas ng pinto. Hindi na ako nakatulog dahil ala una imedya pa ako nakauwi galing sa pinag ayusan ko ang computer. Ahm. ayun okay na nga sana na finalize ko na installation ng os kaso KJ ang motherboard sa pag initialize at detect ng other hardwares. Ayun pull-out din ang kinahinatnan ng CPU. andito ngayon  sa bahay.

Namamangha ako sa pag angat ng technolohiya. Namamangha din ako sa pagka inosente ng mga tao tungkol sa pag kaalaman sa computer. Kailangan ko na nga rin magbago ng pag iisip tungkol sa mga tao e. Kahit sabihin ko pa na hindi naman ako magaling ei yun pa rin ang sinasabi nila. Hindi nila madalas maisip hindi naman ako pinanganak na marunong kagad sa PC. At lahat naman nga ng alam ko ay bunga lang ng experience. Tsktsktsk. :D

Nung bata ako natutuwa at na iinspire ako sa mga tv series na fiction tungkol sa mga multi purpose na hero. Kagaya ng transformers, voltron, 5 man, bioman hahaha. Ang galing kasi nila na na cconvert ang sasakyan para magamit sa ibang paraan. Never in my mind na multitasking ang magiging trabaho ko.

Hindi ako makatulog kahit inaantok na ako dahI'll nagbayad na ako kanina kay ate Mila para sa isang order ng spageti.
Binababaan pa rin ako ng cellphone nh girlfriend ko. Kaninang 1:30am kc sabi nya mamaya na tumawag 5mins daw. tawag ako ulet sabi naman nya nagkkwento daw ang alumni. Hayyy. hindI ko talaga maintindihan kung bakit ba ganun na lang kahalaga ang presensya ng mga dating nagtapos sa unibersidad ei tapos na nga sila e. Ganun ba kahalaga yun? Para ba mainspire ang mga estudyante na mag aral pa lalo ng maigi para maabot din ang mga narating na nila ngayon?

Ako naman yung tipo nang taong wala nang mababalikan sa nakaraan at pinang galingan ko. HIndi naman ibig sabihin ay hindi na ako lilingon sa kanila. Hindi lang talaga siguro kasi ako naging close sa maraming tao.

Na miss ba nila ako? tanong na hindi na kailangan marinig. At tanong din na hindi na kailangan dahil wala namang may pakielam. Okay lang. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon.

Ayan nasisimula nang mag tunugan mga tv at radyo sa mga kapitbahay. Medyo inaantok na nga talaga ako. Gusto ko munang tumulala at mag isip isip. Sige ha. Wag  ka mag alala na miss naman kita e.

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...