Monday, January 23, 2012

Na miss mo ba ako?


January 23, 2012


4am . Hello! Pasensya ka na ngayon pa lang kita mababati ng Happy New year. Be 22days lated  na lang sa 'yo haha.
Kumusta nga pala ang buhay nung wala ako?

"Na miss mo ba ako?", tanong na andaming maaaring maging meaning. Sa girlfriend ko bawal ko sabihin yun sa iba girl. Sa friends ko xempre oks lang. Sa nanay ko malamang mag dadrama nanaman yun at ipaparamdam na nagsisisi sya sa desisyon nyang mali tungkol sa akin last last year at nakokonsensya nanaman daw siya (Hihinga lang ng konti sabay uutangan na ako). Ahm buti nga ngayon ako naman ang may utang sa kanya. Hindi ko na sinasabing utang ko sa kanya ang buhay ko dahil bilang magulang responsibilidad naman niya talaga ako nung bata pa ako. Pero, edukasyon? ahm hanggang 2nd year highschool nya lang ako nakayanang paaralin. halos the whole year sariling kayod ako para makapag aral. Ate ko tinulungan din ako. Hindi na ako nagsisimba ngaon. Minsan namimiss ko rin ang mga churchmates ko. Tsaka ung bonding at banda. Kukumustahin ko silang lahat sa isip ko. Pero magtatago pa rin ako sa kwarto ko. Kasi di bale nang walang masyadong friends, payapa naman ang mga araw ko. Kung may problems naman ang bawat tao. pwede bang minsan sa kanila na lang yun? Sa Church kasi hindi naman sa pag aano, halos puro emotions na lang at palaging may exceptions naman. Wait lang ha bilI lang ako ng pandesal sa bakery sa tapat. maya maya magsasarado na kagad yun e.

Hayy naku.. wala palang pandesal today. Sarado ang bakery hahaha.

"Na miss mo ba ako?".... tanong na palagi kong tinatanong sa isip ko. Ibig kong sabihin ano ba ang kakulangan kung wala ako. O mahalaga pa ba ako sa kung sinomang tao?

Buhay kong pinili ay ahm.. ewan ko ba  medyo marami rami na ring taong nagsasabi na ibahin ko ang lifestyle ko,
Computer sa umaga. Computer sa gabi. Tablet Pc ang katabi sa pagtulog. Tablet PC na may kasamang cellphone ang dalawang gadget na nag rring sa umaga. Antamad ko kasing gumising e.

Minsan kailangan ding gulatin ang tao para mapansin an kanilang pagkukulang. Minsan ang tao naman mismo ang naghahanap ng panggugulat. Kagaya na lang sa mga taong mahilig manood ng horror films.

Nung isang gabi nanood kami ng tropa kong bagon lipat sa 2nd floor nitong apartment si Jaymar. Astig din yung tao na yun e. Laging may bago at magagandang movies.

Kapag nagbabasa ako nang mga nakaraang taon na blog ko, para na rin akong nanonood ng pelikula, hehe bakit kamo? kumpleto e. may Action, Drama, Comedy at iba pa. Nakakatuwa rin isipin na nalagpasan ko na ang mga yun.

Hilig ko nga uminom kasama old friends ko na habang pinaguuusapan namin ang mga kwento nung mga bata pa kami.

Ngayon ang tahi tahimilk dito sa kwarto/ mesanin ko. Ang tanging maingay lang ay ang tunog ng orasan na nakapako sa itaas ng pinto. Hindi na ako nakatulog dahil ala una imedya pa ako nakauwi galing sa pinag ayusan ko ang computer. Ahm. ayun okay na nga sana na finalize ko na installation ng os kaso KJ ang motherboard sa pag initialize at detect ng other hardwares. Ayun pull-out din ang kinahinatnan ng CPU. andito ngayon  sa bahay.

Namamangha ako sa pag angat ng technolohiya. Namamangha din ako sa pagka inosente ng mga tao tungkol sa pag kaalaman sa computer. Kailangan ko na nga rin magbago ng pag iisip tungkol sa mga tao e. Kahit sabihin ko pa na hindi naman ako magaling ei yun pa rin ang sinasabi nila. Hindi nila madalas maisip hindi naman ako pinanganak na marunong kagad sa PC. At lahat naman nga ng alam ko ay bunga lang ng experience. Tsktsktsk. :D

Nung bata ako natutuwa at na iinspire ako sa mga tv series na fiction tungkol sa mga multi purpose na hero. Kagaya ng transformers, voltron, 5 man, bioman hahaha. Ang galing kasi nila na na cconvert ang sasakyan para magamit sa ibang paraan. Never in my mind na multitasking ang magiging trabaho ko.

Hindi ako makatulog kahit inaantok na ako dahI'll nagbayad na ako kanina kay ate Mila para sa isang order ng spageti.
Binababaan pa rin ako ng cellphone nh girlfriend ko. Kaninang 1:30am kc sabi nya mamaya na tumawag 5mins daw. tawag ako ulet sabi naman nya nagkkwento daw ang alumni. Hayyy. hindI ko talaga maintindihan kung bakit ba ganun na lang kahalaga ang presensya ng mga dating nagtapos sa unibersidad ei tapos na nga sila e. Ganun ba kahalaga yun? Para ba mainspire ang mga estudyante na mag aral pa lalo ng maigi para maabot din ang mga narating na nila ngayon?

Ako naman yung tipo nang taong wala nang mababalikan sa nakaraan at pinang galingan ko. HIndi naman ibig sabihin ay hindi na ako lilingon sa kanila. Hindi lang talaga siguro kasi ako naging close sa maraming tao.

Na miss ba nila ako? tanong na hindi na kailangan marinig. At tanong din na hindi na kailangan dahil wala namang may pakielam. Okay lang. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon.

Ayan nasisimula nang mag tunugan mga tv at radyo sa mga kapitbahay. Medyo inaantok na nga talaga ako. Gusto ko munang tumulala at mag isip isip. Sige ha. Wag  ka mag alala na miss naman kita e.

No comments:

Post a Comment

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...