August 13, 2012 12:58pm.
Dito ulet sa canteen ni ate Emer....
Uhm....
Pasensya na kaibigan.
Ngaun lang ako ulet nagkaron ng panahon na magkwento.
Isa rin kasi talaga sa mga dahilan ay ang pagka sira ng tablet ko.
Anyways, meon n akong Ainol Novo 7 Aurora 2. :-)
Uhm...
Andami-daming activities. Andami daming pinagkakabisihan.
Hindi ko na matandaan ang eksaktong petsa last year nung nag celebrate pa kami ni Mary ng 1 year anniversarry.
Ngaun?
Mahal ko pa rin naman sya sa kabila ng mga pagkukulang ko at pagkukulang namin sa isa't isa.
Andami k din natututunan. Mga senior na kagaya ng Boss Art na talagang willing na turuan ako sa madaming categorya. Mula sa pag te-tennis, sa pagmamaneho at sa buhay. Life lessnons are infinite. Kahit na matanda na minsan ay parang ibinabalik pa rin tayo sa elementary school.
Oo, siguro ganun din ako sa lovelife. Gaya ng sinabi ni Mary sa text, "ang paghihiwalay maybe is the bitter pill to take". Sabi nya mahal nya pa rin ako pero hindi na gaya ng dati. Masay naman sya. Kapag nakakausapko sya sa phone ay as usual kasama nya friends nya. I'm sure mdami rin nasasabing negative ang mga friends nya about me ganun naman kasi mga kaibigan ko sobra hindi talag nila ako pinipigilan. Instead, sinusuportahan panila ako. Lalo na si Peter at ang kapatid ko. Naiinis ako pero wala naman na akong magagawa. Hindi ko alam kung ma w-in ko pa ba ulet ang love nya. Madalas namin mapag usapan yun dati angtungkol sa paghihiwalay.
Natatakot din ako noon. Natakot din akong magisa ulet sa buhay.
Pero yung pagiging stuck sa buhay na paulit ulit. Problemang pabalik balik. At pagkakamaling naipapamukha sa akin.
Hindi ko kailangan yun.
Mga prinsipyong hindi galing sa church. Paniniwalang galing sa pamantayan ng isip at libro na gawa ng sinuman awtor na hindi rin nananampalataya sa Diyos?
Alam ko kapag tama ako, alam ko rin kung mali.
Mahirap pala talagang magmahal. Hindi dito sapat ang pagiging sweet t at pagiging maalaga sa isa't isa. Hindi rin sapat ang mga away at pagkakabati sa huli. Kung wala ang Diyos sa na mamamagitan. Kung walang prayer at kaparehas ng pananampalataya. Wala rin ang pagmamahal...
Sa palagay ko hanggang ngayon ay wala pa rin akong natututunan.
Ang alam ko lang ay maymga dapat kong gawin at kailangan kong magingat. Sa mga gagawin ko. Sa mga ssabihin. Sa oras ng pagpapakita ng pagkatao atsa pagpili ng makakasama ko sa buhay.....
Kung magkakabalikan kami, well hindi na posible yun pero hindi rin imposible. Sya pa lang ang naging girlfriend ko na tumagal ng almost 2 years. 26 na ako ngayon peroandami o pang gustong gawin sa buhay. Gusto kong maging magaling na tennis at badminton player. Gusto ko rin makatapus ng kolehiyo at makapag abroad.
Sabi ko nga kay Boss Art "madam pa po akong kakaining bigas bago k mabutan ang talento nyo". ;)
Hanggang sa muli!
Ram.
No comments:
Post a Comment