Thursday, August 23, 2012

Huwag mo akong iwan

Wag mo akong iwan......

Yan na lamang wng nasasabi ko sa.........

Sarili ko. ...

Kaluluwa'y wag sanang lumayo....

Sarili ko na lang ang hindi mangiiwan sa akin sa huli.

Kung marinig mo ang sanhi, maaring mairita ka.
Pero kung malaman mo ang dahilan, maari pang maintindihan mo.

Madalas sa pagsusulat, mas nagamit ko pa nga itong tablet sa pagsulat ng blog kaysa sa proposals at quotations.

Gusto ko lang din mai express ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Gusto ko maging mapayapa.
Gusto kong gaein ang mga bagay na ito para hindi ako lisanin ng aking pagkatao.
Ganito ako ngayon, wala akong clue kung sino ako bukas. Although kilala ko naman sarili ko.....

Ngayon, ayon sa experience ko, lahat talaga ng mga tao ay nagbabago. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko.
Hindi ko rin masisi ang sarili ko nung marinig ang boses nya sa cellphone at ramdam na ramdam ang pagka wala ng nararamdaman sa isa't isa.

Itong mga nakaraan masyado kong naramdaman ang pagka balisa. Kalungkutan at sakit habang naalala ang mga ginagawa namin noon. Mga lugar. Sabi nga ng blink 182, "i hate all those love songs on the radio, always it is there to remind an oversensitive guy that he s lost and alone".

Wag mo akong ulet dalhin doon. Infact sya naman ay sanhi din ng pagkalungkot ko noon.

Isa sa mga dahilan kung bwkit ang lakas ng loob ko na manligaw noon ay dahil din sa mga nakaraan na kasablayan ko sa relasyon. Noon 3years ago, gusto ko din patunayan na hindi ako ganun ka desperado para bumagsak sa hindi karapat dapat na babae at minsan ay medyo parang almost manggagamit. Yep, siguro hindi na nya ako dinalaw dahil sa hiya na hindi nya na nabayadan ang hiniram nyan pera sa akin noon na pampaayos daw ng bahay nila na na ondoy. Si richelle. Ayun, naalala ko pa pangalan nya.

Bandang huli, isasara na lang ang pinto ng kwarto ko. Mangangarap ulet ng babae na hindi ko pa nakikilala. Yayakapin ang unan at saeabihin sa sarili na hindi a ito ang huli. Bata pa ako. Nasa linya pa rin naman ng kabataan kahit papano.

Sabi nga ni sir jojo, nasa pagdadala yan.

Maggigitara, mag ppretend na may nakikinig habang ako lang at sarili ko ang nasa bahay.
Wal nang iba. Wala nang iba. Wala nang ibang makikinig minsan sa pagkakataon. Minsan walang matawagan. Minsan madalas walang load. Wala din internet. Minsan brownout in. Gitara na lang at sarili. Mas okay na yun minsan. Safe ako sa sarili ko. Hindi nya ako sasaktan. Hindi nya rin sana ako iiwan.

Sarili ko na pang. Sarili ko na lang sa huli.

Itutulog ko na lang ito at mangangarap sa paggising ko, makta ko ang sarili ko sa......

Iyo....

-ram


No comments:

Post a Comment

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...