Hihigop na lang muna ako nang kape.
Srrrrrrrrp. Shluuuuuuuurp.
Pasensya na maingay talaga ako uminom ng kape. Hind ko kasi mapigilan.
Gusto kp ma enjoy ang init at tamis at pait ng kapeng ito.
Gaya ng buhay ko. Masaya habang may kasabay na sakit.
Gustong maging manhid. Gusto ring makaramdam.
Gaya ng pait ng nadarama ko ngaun. Somehow gusto ko rin ito.
Sandali lang. 4 minutes pa bago matapos ang breaktime! Gusto ko lang mai share pa ito.
Gusto kong mag concentrate.
Hmmmmmmm langhap ng oxigen labang inilalabas ang init ng kape.
Paikot ikot ang buhay ko.
Kanina nabanggit pa dito sa canteen ang pangalan ni menuel na namatay na. Paborito daw nya yung kanta na tutugtog sa radyo.
Sa palagay ko ampanget naman kung susuko na lang din ako. Pero ano kaya? Nope, ang pagpapakamatay ang pinaka malalang kasalanan sa Diyos. Deretso impyerno un sigurado.
Wait lang 5 mins tawad pa pwede di ko pa naman na uubos ang kape ko e.
Add ng image, edit sa photoshop express.
Hayyyyz. Gadgets. Buhay ko. Mas maigi talaga dito. Ako lang ang masusunod. Ako lang ang gagalaw. Wala aasahan. Walang sasaklolo kundi si google. May tanong ka? Google. May problema ka? Google. Hind mo na kaya? Jesus. :-)
Kung bakit kung kelan pang nagkahiwalay kami ni Mary ay tsaka pa ako nagka time sa church ulet. Bindings ba talaga ang pagsasama namin ng hindi pa kami kasal? Conflict lang naman talaga noon ayy yung minsan lang kami nakakapag kita sa loob ng isang buwan kaya napagkasunduan namin na maging magkasama sa bahay ng almost every weekend. Parang sa kanya na kasi ang simba ko kaya sarili ko lang talaga ang masisisi ko.
Pero pano yun? Masaya nga kami although. Pero wala si God na namamagitan sana sa amin dahil hindi namin sya inaasikaso. Hindi namin siya binibigyan ng panahon.
Kape ulet... ay wala na pala.. hehe.
Nauubusan na rin ako ng dahilan.
Kailangan mag move on. Kailangan labana ang sarili.
Hanggang sa muli! Dami pa akong need na gawin. :-)

No comments:
Post a Comment