Hindi ko alam kung bakit mas ganado akong mag sulat ng blog kapag andun ako sa canteen. Iba lang din kc talaga ang ambiance kapag may mga tao sa paligid na busyng busy sa kanya kanyang buhay.
Organito siguro, andun yung crush ko? Haha joke lang.
Iba rin kc ang inspirasyon kapag konti lang ang oras para makapag kwento. Halimbawa, 30m minutes lang ang pagkakataon para makapag kwento or sosobra ako sa breaktime. Hehe
Ilang gabi na rin akong hindi nakakapag puyat. Lalo na nung nagsimula akong mag tennis :-)
Sa katunayan nga hindi na ako napuyat kagabi kc gising na ako ng 30hrs. Hahaha natapus ako maglaro ng deus ex 6am adik noh?
Na miss ko rin kc talaga yung game na yon tagal ko nang hindi nalalaro e.
Kaninang umaga, deretso ligo at naglaro na kami ni Aron ng tennis sa goodwill tennis court. Sarap kanina kc first time namin makalaro ng doubles. Hehe nakakahiya pa rin nga ang palo ko e. Nawawala pa rin sa direksyon. Peri atleast nakakapag continental service na rin ako kahit papano (wala bang congrats jan?) Hehe. :-)
Natapus ang session nung nag open na yung kabilang court at umalis na sa game namin si arvin (bagong kakilala namin sa tenjis kanina lang) anlufet nya nga mag 360 habang napapa spin nya pa yung bola pataas kapag nagkakataon na sibrang lapit sa katawan nya yung balik ng bola. Astig!
Naalala ko nga si bryan kanina after ng mga ilang paloan namin sa rally ay nag sshadow smash sya habang kinukuha ko yung ball. Sabi ko sa kanya "nakakainip matutunan noh?" Sabay ngiti. Gusto ko na kasi matutunan yun. Kanina din after ng doubles nag try ako mag walling ulet may lumapot na isa pang mama at as usual tinatanung nya ulet kung papano ang grip na ginagawa ko. Same lang din naman sila ng sinasabi: ilapag ang racketa sa lupa at kunin. Ung position ng pagkuha habang nakalapag ay ganun daw dapat ang pag grip. Hindi ko pa kasi ma perfect, yjng amgle ko sa walling ay palaging paiba iba ang direksyon. Tntry ko ulet yung sinabi ni boss art na parang pa-kutos nga daw. Dapat may follow through, may konting slice. Yun, tntry o ulet at medyo nakukuha ko na :-)
Ang sarap mag tennis, lalo na at ang mga players doon sa court ay mga pro. At ngayon, 4 na kaming mga newbie sa game. Si Bryan, ako, si Aron at ang pinsan ni bryan na si France (bagong friend namin kanina).
Nangangarap akong maging magaling na tennis player someday. Mga ilqng years pa ng practice kc ang ni rerequirw ng game na yun lalo na sa akin. Matagal kasi ako matuto pero pag natutunan ko yan hehe weeeew! Saya ko siguro nun!
Umuwi kami ni aron kanina bago mag 11am, bale 4hours dn kami nakapag laro. Grabe di ko nga namalayan yun. Hehe. Lagi lang kasing 6am to 7:45 ang game namin. Kaya kanina medyo matagal :) enjoy. Dapat nga babalik pa kami ni aron doon. Dapat iidlip lang ako ng 30mins. Sobrang i it kasi nung naglakad kami pauwi. Plus wala pa akong tulog at gutom pa. Nagmadali nga lang ako kanina makapag prepare ng food kasi nasusuka na ako sa gutom.
Nananaginip ako kaina habang mataas pa ang araw.
Nagising ako 2pm at nisip ko hindi na lang muna bumalik sa court. Sayang nga e nangako pa man din ako kila bryan na babalik kami. Kaso antok na antok ako kanina. Yung antok na rare na talagang tamad na tamad ako at gusto ko lang matulog. Nga pala ang daholan ng pag babakasyon namin ngayon ay dahil sa holiday. Di ko nga sure kung anung holiday e basta holiday. :)
Tulog ako ulet.
Nagising naman ako nga 7pm. Woah angsarap ng tulog ko na yun!
Ininit ang kanin sa rice cooker, nag request kay mam mariter ng load sa globe tattoo at naghugas ng pinggan. Mya mya ay kumatok si Aron at pjnalaro ko na sya ng Deus Ex.
Sa sobrang hina ng signal ng globe dito ayun lumabas muna ako para magka signal nang may dumating na badtrip na dati ko pa xang nakaka badtrip. Nag parinig ng nagparinig hanggang sa napuno ako sa galit at kinuha ang kitchen knife at hinamon sya. Kasi bago pa ako makalapit ay pinigilan na ako nila ate fe, nanay ni aron na si ate mila at si shane. Hay naku. Mas nakakabadtrip yung badtrip na gusto mong manapak pero naoigilan. Tsktsktskkkkkkkkkkkk. Okay lang, may libreng yakap naman. Wla pa nga akong ligo e. Awwwww kakahiya.
Gusto ko na ngang mapatulog yng tao na yun for good eh. Yung tipong hindi na xa magigising.
Mula sunday, ngayon, at bukas ay walang pasok, bale 3days ko nang hindi nakikita si girl number four. Haha. Miss ko na ang pagka cute at mabango nya. ^_^
Nananaginip din ako pag nakikita ko sya. Panu naman, hindi talaga ako pwede sa kanya. Masyado na akong matanda. Halos kasing age ko nga kuya nya e. Ilang beses ko nang iniiwasan na pansinin sya kaso badtrip din talaga ako sa sarili ko, nagkaka crush pa rin ako sa knya. Tsktsk.
Kakina rin ay gusto ko talagang maka connect sa internet. Pahamak kasing signal ng globe yan e. Napaaway pa tuloy ako.
Gisto kong maka connect sa internet. Gusto kong ma view kasi yjng mga updates at messages sa akin, may nag rerequest na ayusin ko ng pc. Bukas, iniisip ko nga kung tutuloy ba talaga ako. Or gusto ko rin kasing mag relax.
Nag text si Mary sa akin kanina. Ppunta daw sya dito sa 25. Di ko pa nga sure kung anu possible na gawin ko or gawin namin. Hindi ko pa rin alam kung anu mga paguusapan namin at kung papano. Or baka yun na ang huling pagkikita namin dahil baka kukunin nya lang mga gamit nya at yun, bbye na. Hndi ko alam. Wala pa akong clue. Hayyz.
Gising pa ako ngayon. Pero nagsisimula nang managnip. :O
Hanggang sa muli.
-Ram

No comments:
Post a Comment