Friday, September 23, 2011

Squishu and Somochi.

kagabi bumili ako ng kuneho sa tulay ng Commonwealth patawid ng Ever Gotesco na kasama ko pa si Obren Paragas dahil nagkataon na nagkita kami sa loob ng Ever GOtesco habang hinihintay ko si mama na hindi ko makontakt dahil nasa kanya ang Cellphone ko na naiwan namin ng mahal kong Girlfriend kong si Mary Lonzano nung pumunta kami sa bahay nila mama last weekend. dahil may Cellphone si Obren, pinaloadan namin at tinawagan si Mama na parang walkie talkie ang boses dahil sa palpak na Cellphone nya na binili nyang second hand kasi. dahil wala pang reply o sagot sa call namin, umakyat muna kami at namili ako sa Cdrking Ever Gotesco sa 3rd floor. at pagbaba namin sakto nasagot na ni mama at nagkakita kami sa gate ng mall. Binigay ko ang 500 (humingi pa ng 100) tpos nag bbye, alis. pagtawid ng tulay andu na ung rabbit na bbilhin ko. dapat ung white kaso lalake pla ei may lalake pa akong rabbit sa bahay ay pangalan nya ay Somochi. Php 150.00 lang sa mamang may nakasabit sa tyan na box. Considering cute na cute na rabbit!!!!! hehe

Friday, September 9, 2011

Ang araw na ayaw kong hintayin :D

Atttttttt. dumating na ang araw na ayaw kong hintayin :D

September 8, 2011 hindi ko pa alam ang oras :X
tumunog ang alarm clock 7:30am (30mins before office haaaaaah antok pah)
hindi ko alam kung anung malakas na pwersang nakakaantok ang dumale sa akin.
hmmm naalala ko na birthday ko na pala. at siguro nman ma consider nila mam ruby kung bakit hindi ako nakapasok ng maaga. natulog ako ulet. hmmm pasensya tlga tamad lang ako sa umaga minsan. tulog ulet......zzzzzzzz

nagising ulet sa kama ko 10:45am hmmm sobrang gutom ay hindi pala sobrang nalipasan na ng gutom. kagabi kasi mga 1am na ako nakatulog dahil 5pm kahapon pag out ko ng office inayos ko kagad ung electric fan ko dahil usapan namin ni Mary ay darating siya sa Birthday ko sa gabi. after ko gawin 6pm deretso kila mam Judith Conde sa Mindanao Ave. hayyys natagalan pa ako kagabi natapos ako 11:30 nakuwi ng bahay. tapos check ko facebook.


kakatuwa dami kong notifications daming nagbabati :) hmmm anu kaya pwde kong madala sa office? hmmmm aha! donuts na lang! lista ko mga names ng selected na bbigyan ko open ko excel to go ng droid ko hehe. 38 opersons sila! :D naisip ko mag request na ng load sa sun ky mam mariter. kaya open ko naman sms sa smartbro ng biglang tumawag sa cellphone ko ang Shit! ARC Office Calling! :/

"Ram! anung oras na? hindi ka nanaman nagpapaalam kung aabsent ka! hinahanap ka ni Boss Art lulubog lilitaw ka daw!'

-ahmm mag tetext na nga dapat ako ngayon sa inyo mam kaso naunahan niyo ako tsktsk.

Niisip ko po magdala ng merienda jan mamaya" at sa wakas naalala na ni mam ruby na birthday ko nga pla ngayon ahaha sabi ko birthday na birthday ko sinesermonan niyo ako hmf! :D

sabi niya "Ay! Oo nga pla!sabi ko naman mam wag niyo lng sabihin na magdadala ako ng fud :D

so tingin ulet ng oras, wala pang 1pm. hmm mga 2:00pm ako ppuntang holy cross para bumili :D
laro muna ng walang kamatayang biohazard 4 :D

Games games games! status sa facebook!!!! 7pm 8pm 9pm 10pm may kumatok sa pintuan ng apartment ko. "Pinanganak ako sa panahon ng tag-ulan. Minsan iniisip iyon ang dahilan kung bakit bihirang bihira ako lumuha." sinasabi ko kay mary last week." "thomp thomp" sabi ng puso ko. "thomp thomp" si mary na kaya ito? "thomp thomp, thomp thomp, thomp thomp" bunuksan ko ang pintuan at nakita, si Jaymar na kaibigan ko pala ang kumakatok. "haha akala ko ung gf ko na ung kumatok" :D sakto pare kain ka ng spageti! (inahon ang pasta, binanlian sa strainer at nilagyan ng sauce at keso.) pinakita ko sa pare ko ung layered record namin ni peter na ginawa ko guitar, bass at voice (temporary voice ko) tpos ni email ko kay peter ung mp3 file. pinakinggan niya at kinanta kasabay ng pag record niya sa voice niya. Then emailed back sa akin at finally I replace sa voice ko ang voice niya sa layers :D galing para kaming magkasamang ng record smantalang sa cavite si peter at dito ako sa novaliches :D mya mya pa naubos na ni jaymar ang fud may kumatok ulet sa pintuan. ahhh heto na sure na yan si Mary na yan ;) binuksan ko ang pintuan at ayun si mary mag kkiss sa akin suot ang checkered polo na binili nya sa exhibit sa kanila sa elbi noong nandun din ako at saktong may concert ang idol ko si Radio Active Sago Project. :) at for the first time sa buhay ko binigyan ako ng cake ng lovelife ko hehe. noon kasi laging ako ngbibigay ng cake laging Red Ribbon sa nililigawan ko pero busted lang ang inaabot ko ahahaha.

Ang sweeeeeeeeet ng Girlfriend ko may nakasulat pa na "Happy birthday dadi I love you" wiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii hihi haping hapi ako :) dat time nagpaalam na si Jaymar sabi niya "pano pare iwan ko na muna kayo :)" hehe sabi ko sige tol salamat sa pagpunta. :)



I closed the door at yun, niyakap ako ni mingming at naglambingan kami to da maxx ;D


Wednesday, September 7, 2011

Up is down.

September 7, 2011 3:39am

Inaantok na ako at andito sila Obren At Makmak sa bahay ko habang instead na maglasingan kami ay mas nabaling ang attention sa pakikipag phonepal ng isang babae na ka chat ni Obren. nag eenjoy sila sa converstion for almost 5hours na simula 11pm onwards. medyo maloko ang babae dahil ahm magaling siya makipag green jokes at nasasakyan niya mga biro nila makmak. hays tamang higa na lang muna ako kasi hindi na ako makarelate. kanina mga 10pm (september 6 pa lang) nag start kami magkantahan hehe ako ang nag gigitara :D enjoy din kasi na kahit papano minsan minsan may nakikinig ng pagkanta at gitara ko. :) hingi muna ako ng orange candy na makunat pero ewan ko ba bakit nakakaakit na kainin ang candy na ito haha.

Habang nag ttrip ng kantahan syempre may liquor haha boracay rhum na cappuccino flavor na ni request ko kay makmak na bilhin habang nasa byahe pabalik ng bahay kanina. galing kasi siya sa labas magsusundo daw ng chicks pero hindi naman kaya bumalik na lang siiya ng bahay ko. wait lang ha ayaw daw kasi maka connect ng smartbro ko. reretry ko lang.

hayys ayaw maka connect may problem yata ang smart. badtrip tuloy si obren may I cchat pa man din daw dapat siya. :D

hmmm antok na rin ako habang na mimiss ang girlfriend ko :/ sana mayakap ko na siya ulet ;) gudmornyt!


September 7, 2011 3:11pm

Baba na muna ako para makapag brunch. hindI kasi ako nakapag tanghalian kanina dahil 11Pm nagpnta ako sa sauyo para I claim ung pina rewind ko na motor ng electricfan ko. tpos nag smart padala ky mary. wawa naman ung asawa ko na un di pa kumakaen. :(

Nabasa ko sa forecast kanina na uulan ng malakas bukas. darating daw ung time ng decision making sa buhay ko. either I end na ang relationship or it will be stronger than before. ahm ehem ehem for. sure ung second option ang mangyayare dun. hindi naman kaya ganun kadaling mawala un nararamdaman ko ng isang iglap

Monday, September 5, 2011

Reconcilation is a good start :)


Pagkatapos ng kung anu-anong pagsubok minsan hindi na natin ito matanggap. Pero kung hahayaan natin na pagmamahal ang bumalot sa lahat ng sitwasyon............... :) .......

September 3, 2011 8:45am nag decide ako na hindi pumasok sa work dahil malamang sa malanag hindi ako papayagan na mag halfday. Sa huli ako pa rin ang pasaway dahil supposedly nagpaalam na ako atleast 7 days before :D Sa kabila ng aking pagka antok halo halo ang mga bagay bagay na nasa isip ko: work, mga utang, pagkaen ng rabbit ko, c mingming kmusta na kaya? hindi ko pa naccontact cla mama at Chriset dahil nka of ung phone nila nung tumatawag ako, at yung oras ng dapat na pag alis namin. kaya ang ultra electromagnetic sharing-gun itechniq na ginawa ko ay, matulog ulet hehehe. Pagkatapos ng mga tampuhan, inis at badtrip dahil sa pagiging busy ng shota ko. dumating na rin ung panahon para mapanood ko ung dula dulaan na pinagkabusyhan niya. isang dahilan din ay gusto kong maintindihan kung ano ang meron sa dula dulaang iyon Junto al Pasig ang title nung play. ahm supposedly si lois ang kasama ko kaso alanganin sa schedule niya (younger sister ko na parang ate ko hahaha) kaso alanganin sa schedule niya. sunod naman ay si mama sana pero andaming dahilan sus tinatamad lang un sa pagbiyahe ng lagun. tpos sabi niya si Chriset na lang isama ko at sakto din dahil 2nd year highschool ang kapatid ko so prang educational na rin sa kanya. at hehe miss ko na rin yung kapatid ko na yun :)

Hayyz bakit ba kasi daming nakakatamad sa mundO? hehehe hindi I mean ako nga oo na ako na nga ang tinatamad okei? 12:00pm September 3, 2011. hmmmm un tinawagan ko na sila mama na magkita kami nila ni Chriset sa sandiganbayan mamayang 2:30pm. hahaha 2:30pm paalis p lng ako ng bahay :D sounds muna gamit itong android ko habang nasa byahe. Novaliches to Sandigan Commonwealth. kakainis ang traffic lalo tuloy magaantay sila mama. may sira pa ang touchscreen ng phone ko kya hirap mag text tpos hindi pa nila sinasagot ang tawag ko. hayy bahala na basta sana maghintay sila sa akin. 3:30pm (meaning 1hour na sila naghhintay inis na yun hahaha). at sabi ko na nga inis na hahaha. "Ei kasi traffic" sabi ko. :D

Tawid na kami ng overpass papntang Cubao. sabi ng kapatid ko "kuya sa susunod ikaw na nga lang ang mag hintay sa amin kasi isang tricycle lang naman ang byajhe namin dito na kami sa sandigan!. Mjo disappointed na boses ng kapatid ko. Pero iniba ko na lang ang usapan> :D

Sakay kami ng bus 3:45pm palabas pa sa Bus ung idol ng idol ko na sila Sylvester Stalone at mga ka tropa niya ung movie na Expedables :D fan din ako ng muvi na un dahil dun nakuha ung concept ni Solid Snake ni Hideo Kojima. Habang nasa byahe, pinalaro ko muna si Chriset nitong Tablet PC ko. :D

Pagbaba ng Bus, nahilo si Chris, sabi nya muntik na siyang masuka kaya naghanap kami ng mabilhan kagad ng candy haban hindi p ako nakakabili ng bonamine. anlayo pa kaya ng byahe namin wala pa sa kalahati! hahaha. kaen muna kami. dapat dun sa Mang Pepe's kaso haha under renovation :D pnta naman kami ng aurora at ayaw ko man dahil nakakasawa at suya na ako sa lasa ng Chicken, nag Jollibee na lang kami tiisin ko na lang :/


Pero okay lang enjoy naman kapatid ko. Picture muna

Tapos namin kmaen bumaba kami sa Mercury Drug para bumili na ng bonamine at tubig. :) deretso sa terminal ng HM Transport byaheng Sta. Cruz Laguna.

6:35pm nagaalala na si mingming text ng text sa amin dahil alapit na kaming ma-late 7pm kasi start ng play. hindi naman ako maka reply dahil sakto ang expire na ang load ko. Hmm niisip ko basta mahanap ko ung nitext nya sa akin na sa NCAS daw sa tabi ng Oblation. Una, hinanap ko muna ung Oble :D tanog sa lalaking nakasalubong namin ng kapatid ko habang nagmamadali ako at sa pagmamadali ang bawat hakbang ko pala ang dalawang hakbang na ni Chris awwww kawawa nmn kapatid ko noh?

Sakto dun sa place at sakto din sa time ang pagdating namin. hmmm neexpect ko rin naman na ma llate pa ng mga 30mins bago mag start talaga. pag pasok namin ng building daming nakapila. pero hinanap ko muna ang lovelife ko. tanong ko sa isang girl na naka filipinana ata tawag dun haha. Ask ko kung my kilala siyang Mary Lonzano. Weird kasi hindi niya kilala pero okay lang din kasi n forward nya ako sa isang kasamahan nila. kakatuwa kasi lam niya na kagad name ko :D nagtaka ka rin no? joke lang may listahan kasi siya nung guests ng bawat usher (One of them ay si Mary nga). Kakatuwa din ung girl kasi tinanong nya pa kung ako ung boylet ni mary :D sabi ko uhm-uhm :) pinapasok kami sa Guests section kaso wala nang seat sa waiting area kea dun kami umupo ng kapatid ko sa may parang garden sa gitna ng building. maya maya nakita ko na ung friend ni mary si Shaunnah (na hindi ko na feel din kausapin since nung nagbreak sila ng bf nya para kasing mejo sumungit siya. at lalong nawalan ako ng energy dahil sa past knowing na inaway ko noon mga ka-org mates niya dahil sa issue namin ni mary na involved ang org nila). And siguro kung kakausapin ko siya bilang kakillala lang pero wlang friendly contact, I think i t will not hurt at all) kaya kinalabit ko lang siya tapos tinanong ko kung nasaan si mary. nagulat din pala siya konti nung nakilala niya ako na andun pala ako para manood ng show nila :) hehe okay n din. dabi niya lang nasa loob si mary tapos pinappila niya na kami para makapasok na sa theatre.

Pagpasok sa loob kapansin pansin kagad ung setting ng stage na galing din ng concept dahil madilim tpos may someone or something na nakatayo sa itaas ng props na parang bundok. may mga pakpak siya na parang glider na nasira habang nakatalikod siya sa audience. steading steady lang siya.


lang sandali lang ay napansin ko na dahil hmmm siguro maliban sa kilala ko ang kasintahan ko sa pananamit ay nararamadaman ko rin kapag nasa malapit siya. ganun din kasi na ffeel ko kapag pumupunta siya sa bahay na minsan sinosorpresa niya ako :) yep sya ung girl na nagaassist sa magiging seats ng bawat manonood. pinalapit ko si Chris para biruin siya :) at sa wakas nag smile na ang mingming ko nung nalaman na naandun na kami akala niya kasi matagal pa o baka hindi na kami makanood dahil sa sobrang late :) so inassist nya rin kami ni Chriset kung saan yung seats namin. Humingi ako ng kiss pero sabi niya mayamaya lang ng konti :) hehehe.

__________________________________________________________________

One thing that catched my attention ay ung pagbukas ng lights as shown dito sa left << hehe

parang preparation for someone. Sempre may paparating nga haha. hmmm serious muna. ahm yep nisip ko kasi every man ay may kanya kanyang ginaganapan sa buhay. nagkataon nga lang or ginusto din ng iba na ganapan pa ang ibang character. gaya ng mga tao sa play na ito. may gumanap na passionate personality para sa nature at nation, may gumanap na mga patay na pinipilit makihalubilo sa mundo ng mga buhay. na parang nag reflect din sa akin (well kapag sad mood ako para kasi akong hindi ng eexist).

Ang Story ay tungkol sa pananakop ng Kastila at kasabay ng pananakop ng relihiyon at ng pandaraya/ pagpapanggap bilang imahe at kabaliktaran sa kadiliman na bumabalot sa bawat lihim ng relihiyon. pinakita dito ang kasamaan ng demonyo at kahinaan ng pananampalataya sa Diyos Ama ng maraming tao/ Filipino. na sa huli ay nagwagi pa rin ang kabutihan dahil sa pananampalataya ng bida at pagtugon ng Diyos sa panalangin niya.

hmmm...... although mahirap at talagang talented ang mga gumanap at nakakabilib talaga ang panulat ni Rizal . sa tales ng storymalayong malayo ang difference sa series ng totoong buhay lalo na sa bawat relasyon. sa totoong buhay walang script, walang guidlines. Bawat individual ay ang kanya kanyang director ng buhay nila. wla ring choreography. :D pero ganun pa man mas pipiliin ko pa rin ang buhay ko ngayon dahil nagkaron ng dahilan ang buhay ko (haha kung mapapansin mo ung mga nauna kong blog puro sad days :) nung dumating si miss Mary Concepcion Alfro Lonzano. :) mundo ko ay napuno ng kulay kahit pa color blind ako :D at ngayon na madami na rin kaming napagdaanan at laging napapatunayan na mas matimbang ang pagmamahalan namin. mas matibay nanaman kami. hehe ;)

Hmm biglang umipat ng upuan ung katabi ko at siya ang pumalit. :D

That night we watched the play together habang hug ko ang Usherette/ Girlfriend ko. :)





Friday, September 2, 2011

Songs written by life.

"Paano" -ram cadag 2004

Paano ko sasabihin ang nilalaman ng damdamin
kung sa isip ko'y may palaging gumugulo?
Paano ko sasabihin sa 'yo kung sa akin ay nag aalinlangan ako
na baka ito'y balewalain mo

Refrain:
Hindi man ako magaling kumanta
Ngunit sana naman ay iyong maintindihan

Chorus:
Ikaw ang nasa isip ko
panaginip ko
kalakasan ko
dinadalangin ko

Paano ko sasabihin sa 'yo
kung sakaling malaman mo baka ako'y iwasan mo
At paano ko sasabihin sa'yo
na kung sakaling malaman mo
baka ako'y iwasan mo

Refrain 2:
Itinanong ko na ito sa buwan
Ngunit dumaan na ang anim na buwan
hindi pa rin sumasagot si buwan

Repeat Chorus

Fade-
_____________________________________________________

"Goodbye" -ram cadag 2005

Is there somebody knows her name?
is there anybody knows wheres she is right now?
because I want to say thanks
for the things she has done

Is there somebody know her face?
can anybody recognize her eyes
and can imitate her smile

Chorus:
'Cause I remember her face
I remember her voice
and I can't forget the way we said goodbye

Can somebody know how it feels?
can anybody diagnose and know
how to cure the pain I feel

Can somebody tell her?
I wish we had never
'cause I don't want to let her go
and there she goes again

Repeat Chorus
Adlib

Repeat Chorus 2x
..........Goodbye

_____________________________________________________


"Bahag hari" -ram cadag 2005

Iniisip ko noon kung bakit niya nagawang iwanan ko
Ako ay lubos na nagtataka sa ganda mong iyan

Refrain:
Kung tama lang ang pagkakataon
ako na lang sana ang iibig sa 'yo

Chorus:
Bahag hari pagkatapos ng ulan
maaari o bang sabihin sa kanya
bahag hari kung meron man akong magagawa
patilain ang mga luha sa kanyang mga mata


Lahat nama'y aking magagawa
kahit hanggang dito lang ako

Refrain II:
Kung ako lang ang papipiliin
ako na lang sana ang iibig sa 'yo

_________________________________________________

The Daily Show - ram cadag 2005

How awkward is the day
that I see you smile
in spite of all those pain
we love to see that you're fine
but some wants you to cry
that's just the way it is

Refrain:
So I just want to come
and try to comfort you
but you just don't know me

Chorus:
'coz you're a star of the day
and you will smile anyway
you're a star of the day
and this is just
a part of the daily show
the daily show
the daily show
just another daily show

so I just cheered for you
and become one of the hundred days
that falls in love with you

Repeat Refrain:

'coz you're a star of the day
and you will smile anyway
you're a star of the day
and this is just
a part of the daily

Instrumental:

Refrain 2:
And I admire your strength
behind the beauty outside
that's why I cheer for you

Repeat Chorus (Acoustic Only)

-End-

_____________________________________

Detarip -ram cadag 2005

No'ng ako ay naglalakad sa may kanto ng detarip
'di ko malimutan nang may lumapit sa akin
akin siyang naiintindihan sa hirap nga naman ng buhay ngayon
ngunit ako'y tumingin sa paligid at unti-unti kong napapansin

Chorus:
May pirated na walkman
may pirated na cd
may pirated na kutsara
may pirated na plato
may pirated na medyas
na sapatos na tsinelas na RTW at kung anu-ano

habang ako'y naglalakad sa may kanto ng detarip
'di ko alintana nang may lumapit sa akin
ako ay nagtataka ako'y lumagpas lamang sa linya
unti-unti kong napapansin
mangongotong pala

(Repeat Chorus)

Bridge:
At kailan kaya aahon ang ating bayan mula sa kahirapan
kung maging sa may kapangyarihan ay wala tayong maaasahan
kung lahat na sila ay pirated?

naalala ko tuloy yung lola ko noon sabi niya "hala! tagotago andiyan na ang mga hapon!"
sabi ko naman lola hindi mga hapon iyan mga negosyanteng nagbebenta ng mga pirated!

May pirated na walkman
may pirated na cd
may pirated na kutsara
may pirated na plato
may pirated na medyas
na sapatos na tsinelas na RTW at kung anu-ano

May pirated na walkman
may pirated na cd
may pirated na kutsara
may pa-pa-pa-pa pirated na banda
may pirated na medyas
na sapatos na tsinelas na RTW at kung anu-ano

_____________________________________________________

Just a love song -ram cadag 2007

I'm better with those things i have in my life
some may say I.m just another guy to fall in love

Refrain:
Do you know you add life to me
from the first time I saw you
and my only wish is that you will never think

Chorus:
That it's just a love song
'coz you know I made it for you
maybe just a love song
but hoping that someday you'll hear it too
you might think that I'm too crazy to attempt write it into
some may say its just easy singing songs that is so true
its just a love song

I don't know why you make me feel wanna fly
everytime that I get close to you
I feel the tenderness inside

Refrain:
Do you know you add life to me
from the first time I saw you
and my only wish is that you will never think

Chorus:
That it's just a love song
'coz you know I made it for you
maybe just a love song
but hoping that someday you'll hear it too
you might think that I'm too crazy to attempt write it into
some may say its just easy singing songs that is so true
its just a love song

Bridge:
And I just want to tell you that you're special
and if you don't mind let me introduce myself
or if not won't you just stay for a while
and let you hear me singing

this love song
'coz you know I made it for you
maybe just a love song
but hoping that someday you'll hear it too
you might think that I'm too crazy to attempt write it into
some may say its just easy singing songs that is so true

its just a love song........

__________________________________________________________

Where are you now - ram cadag 2008

Where is the girl that I used to know
where is the one that I've used to show
where is the one who makes me feel fine
when everything goes wrong

Refrain:
Questions in my mind
how will I know

Chorus:
Where are you now
I just want to know
if that someone in your arms
do you warm him like me
where are you now
I don't know what to say
I know now that I've done wrong and I see it now
I know it now

I'vetried everything to make me feel fine
it just gets worse everytime
but if only you will come back to me
then I could forget this pain I feel

Refrain:
Questions in my mind
Oh how will I know

Where are you now
I just want to know
if that someone in your arms
do you warm him like me
where are you now
I don't know what to say
I know now that I've done wrong

Refrain:
Questions in my mind
Oh how will you know?

Chorus:
Where are you now
I just want to know
if that someone in your arms
do you warm him like me
where are you now
I don't know what to say
I know now that I've done wrong
where are you now
I just want to know
if that someone in your arms
d you warm him like me
where are you now
I don't know what to say
I know now that I've done wrong
and I know it now
I know it now
that I still love you so

________________________________________________________


Sa bawat sandali rinig ang tinig mo -ram cadag 2009

para bang kahapon lang
walang maka'pag sasabi
na ang lahat ng ito'y matatapos sa isang saglit

Refrain:
pinipilit tanggapin
sana'y nariyan pa

Chorus:
Sa bawat sandali rinig ang tinig mo
sa bawat pagdating ako'y nasasabik
gumugulo sa isip sana 'yong marinig
sinisigaw ng damdamin
sa awit na lang idaraan

para bang kahapon lang
walang maka'pag sasabi
na ang lahat ng ito'y matatapos sa isang saglit

Refrain:
pinipilit tanggapin
sana'y nariyan pa

Bridge:
di man lamang kami nakapag sabing paalam
kaya ngayo'y nalilito at nanghihinayang

_________________________________________________________________________

Kutsilyo -ram cadag March 22, 2012 8:30pm

Minsan 'di ba parang mas masaya
kung nag iisa lang sa bahay
walang iniisip tahimik ang paligid at
may oras ka kara makapag pahinga
walang makikialam

Naalala ko tuloy nung bata pa ako
sasabihin ni nanay na ubusin ang pagkain sa mesa dahil
sayang
mapapanis lang

Chorus:
Ngunit mahirap isipin na pipiliin ka na lang
dahil wala nang ibang mapaglaanan
ngunit mahirap isipi na itutuloy na lang
pag ibig dahil sa nanghihinayang
dahil baka masayang mga napagsamahan
sayang na lang

Kung tatanungin mo ako
igugugol ko na lang ang oras sa computer ko

dito (dito) kung magkamali'y pwedeng ulitin mo
dito (dito) kung magsawa ka edi palitan mo

(Repeat Chorus Excepst last 2 lines)
dahil baka masayang mga napagsamahan
sayang na lang
sayang na lang
sayang na lang
sayang na lang

Instrumental:
(Do Chorus Chords)

Minsan 'di ba parang mas masaya kung wala na lang tayo sa mundong ito
walang sakit at gutom at panghihinayang
Dito sa apartment ko
habang ginagawa ang kantang ito
may kutsilyo sa lamesa
h'wag kang mag-alala 'di 'ko magpapakamatay
(Repeat Chorus Excepst last 2 lines) 
dahil baka masayang mga napagsamahan 
dahil baka masayang mga napagsamahan 
dahil baka masayang mga napagsamahan 

-End-

Hello hello! Who am I? Who are you?


September 1, 2011 nagpalit ng Profile picture si Mary na yep Girlfriend ko. ahm sooner or later at for sure mag papalit pa rin siya bwahaha wla namang masama doon. huh? bakit ko nabanggit? hindi naman sa ayaw ko. Sus normal naman yun diba? ako nga rin nagpapalit din ng latest na picture. The thing is, na inlove nanaman ako sa kanya kagaya ng madalas mangyari sa akin. :D
Latest Picture nya yun shoot siguro nung nag uusher siya sa Junto al Pasig, isang theater production sa school nila sa UP Los banos.
<< Eto nga Yung picture sa left oh :D

Speaking of inlove, sa "What's on your mind ng facebook account niya sabi nya: "It's so very kilig to see you again. Ahihi." . Guess what, hindi ako ung lalaking or papa na tinutukoy niya, hahaha natatawa lang ako kapag naiisip ko yun. hindi ko alam kung happy ba ako na crush nya yung dating proffesor niya o natatawa lang ba ako sa sarili ko knowing na hindi ako pwedeng mai compare doon. Pano nga naman ei Multitask lang ako sa Office at hindi ako magaling sa grammar or sa malalim na tagalog. ang alam ko lang ay magpatawa at kumembot para sa kanya hahahaha.

Hmmm. selos? yepyepyep maybe I've had enough. Or maybe I want more. Minsan naiisip ko pero hindi ko na lang iniisip kasi kahit isipin ko man nasa isip ko lang yun. kapag binanggit ko sa kanya ako pa ang sisisihin niya kasi nga daw bakit ganun ang iniisip ko so why isip isip pa?

next kwento.....
Kagabi hindi kami nagkausap ng Gf ko dahil 5pm ng out ako ng office, dmeretso kila Jaymar. Niyaya ko sila ni Jayson magpunta kami sa bahay para mag Jam at mag record ng kanta. naaaaa hehe turned out nag games na lang kame kasi hindi rin makasundo ng gusto kong timing ng bass ung pag bbass ni Jayson hayyyyz. si Jaymar naman ay hindi pa kagad naka Jam, naiwan pa siya sa apartment nila at tinatapos ung pag copy ng files na naka save sa Memory Card galing sa PC ko. mga 9:30 pm yun sa wakas nakanta ko na ung iba ibang compositions ko noon ung lates ko Last August 29, 2011 "hindi ko alam"- ung title hehe at si Jayson yung first na nakarinig. hmmm maganda daw pero mejo bdtrip lang ako kapag naikkompara yung song ko sa ibang kanta. may hawig daw. sino naman ang matutuwa na yung composition nya ay may kamukha? badtrip kaya yun. Next song na pinarinig ko na natawa naman si Jayson dahil sa flow ng story dun sa song ay yung isa sa mga favorite ko, ung "Detarip" a song about irony and politics and ofcourse piracy. haha. sunod ay ung mga luma ko pa una kong composition ung "Paano" song about my a man's doubt and searching for bravery to tell the girl yung feelings nya. Next song ay yung "Bahag hari" na na compose ko inspired sa conflict ng love dahil sa ung guy ay na-inlove sa second cousin niya. next ay ung na compose ko dahil sa wowoweee ung kantang "The Daily show". tamang jam, namimiss ko tuloy sila Pwetro, Bindoy at RB. tsktsk. sila kasi talaga ung mga ka band mates ko na astig sa saktuhan. :D. umabot ng 10:45pm. mjo Lilo na ako sa sounds nakakahiya kasi sa mga kapitbahay :D games muna kami
nakitext si gf kay Carmela at sabi nya tawaga ko siya. mag eexpire ang load ko ng 12am. aysus. tinatawagan ko naman naka off ang cellphone niya. tsktsk. bukas na nga lang.

11:30pm muwi na si Jayson may aasikasuhin pa aw kasi siyang papers the next day.
12:30pm nag aya si Jaymar na kumaen kami ng burger sa burger machine, un lang kasi ang bukas na kainan na malapit sa apartment ko mga 300 meters away :D

habang naglalakad ay sa kabilang kanto may mga nakatambay sa nakasaradong tindahan. mga 4 na tao sila. 1 babae, 2 lalake at 1 bakla. unti unting lumalapit sa amin ung 1 lalake. araw araw niya ako nakikita halos dahil sa skwater area sila sa tabi ng company na tinatrabahuan ko. Ang lakas ng confidence niya na lumapit sa akin at maghiram ng lighter kung meron daw ako. sabi ko "wala hindi kami nag yoyosi mga goodboy kami hahaha" nainsulto ang lolo mo at tinawanan na lang ako sabi niya goodboy? laos na un. sabi ko naman ah oo nga laos na. laos na kami kayo na ang uso kasi mga taong kagaya mo walang nararating sa buhay. derederetso lang kami n lakad at tamang kwentuhan pa rin. nagparinig pa ang bruha sabi niya pagbalik daw namin magdala daw ako ng yosi. hindi ko n lng pinansin. pero sakto bukas pa pala ang tindahan na malapit sa burger machine at nakabili pa ako ng Tanduay ICE :D 2 tinidor pantutusok ko sa mga mata niya at guntin papanggilit ko sana sa leeg nya. pag punta ng burger machine tamang kwentuhan pa rin kami ni Jaymar tungkol sa games, ahm nga pla nag start ung kwentuhan namin sa games dahil sa pagiging related namin sa mga eksena na nagrereflect sa totoong buhay namin. ang hilig naman kasi namin ay yung mga Mature genre at simulation games. ngayon nahahawaan ko na siya sa silent hill tpos metal gear. :D


habang naglalakad kami pauwi iniisip ko na gagawin ko kapag na encounter pa namin ung badtrip. mejo nanggigigil na rin ako. (To think na umeextra lang naman siya sa company namin at ako a taga office, bwisit pra hind nya ako makilala at irespeto diba?)

bago naman ako nakarating sa ganito ay masasabi ko naman na kahit papano ay na work out ko rin naman ang position ko. hindi rin kaya basta basta makahanap ng trabaho sa panahon na ganito. tapos i trato ako ng laseng-laseng-pag-nasobrahan-praneng-praneng.

tingin sa langit. tingin sa kawila. tingin sa salamin. tingin sa pambigte.

sa likod nang isip mo may nagtatanong
sa likod nang isip mo may nangungulit
sa likod mo ayaw mong pansinin
sa likod mo hindi ka titigilan

Hello hello! Sino ako? Sino ka?
Hello hello! Sino ako? Sino ka?
Hello hello! Sino ako? Sino ka?

Thursday, September 1, 2011

August 31, 2011 part 2


August 31, 2011 5pm. hehe nag out na ako. next time na lang ulet ang overtime :P Lam mo kung bakit? ganito yun: nag cchat kmi ni sir Elmo na napagusapan namin noon about sa problem ng pc nya na katabi ko lang ng desk nag bibiruan kmi tpos biglang nag pop-up isang message sabi niya "Ram kelan natin gagawin yung computer ko?" sabi ko naman "kahit mamaya sir kung gusto nyo! haha. tapos sumagot siya na "aalis ako ng mga 3pm pero babalik dn ako kagad" nagtaka ako tpos when I checked his user name haha si sir Jojo Uy pala na matagal ko nang hindi napupuntahan yung office nya para ayusin ang computer na isa sa mga linked sa server nila. haha nakakahiya tuloy dahil hindi ako matuloy-tuloy sa lakad sa kanila na mga 1-1/5 hours ang byahe dahil sa: 1 Traffic 2. Overtime ako sa work, 3nagka dental problems ako, 4adfter ng pabunot ko ng ipin nagpunta naman ako ng pangasinan, 5kailangan ko magpahinga dahil sa sakit ng gums 6 pumunta ako ng laguna para sa black shoes ng gf ko na nakwento ko sa'yo (reader) kahapon :D

at sakto lang din kaya talgang pumunta na lang ako

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...