September 1, 2011 nagpalit ng Profile picture si Mary na yep Girlfriend ko. ahm sooner or later at for sure mag papalit pa rin siya bwahaha wla namang masama doon. huh? bakit ko nabanggit? hindi naman sa ayaw ko. Sus normal naman yun diba? ako nga rin nagpapalit din ng latest na picture. The thing is, na inlove nanaman ako sa kanya kagaya ng madalas mangyari sa akin. :D
Latest Picture nya yun shoot siguro nung nag uusher siya sa Junto al Pasig, isang theater production sa school nila sa UP Los banos.<< Eto nga Yung picture sa left oh :D
Speaking of inlove, sa "What's on your mind ng facebook account niya sabi nya: "It's so very kilig to see you again. Ahihi." . Guess what, hindi ako ung lalaking or papa na tinutukoy niya, hahaha natatawa lang ako kapag naiisip ko yun. hindi ko alam kung happy ba ako na crush nya yung dating proffesor niya o natatawa lang ba ako sa sarili ko knowing na hindi ako pwedeng mai compare doon. Pano nga naman ei Multitask lang ako sa Office at hindi ako magaling sa grammar or sa malalim na tagalog. ang alam ko lang ay magpatawa at kumembot para sa kanya hahahaha.
Hmmm. selos? yepyepyep maybe I've had enough. Or maybe I want more. Minsan naiisip ko pero hindi ko na lang iniisip kasi kahit isipin ko man nasa isip ko lang yun. kapag binanggit ko sa kanya ako pa ang sisisihin niya kasi nga daw bakit ganun ang iniisip ko so why isip isip pa?
next kwento.....
Kagabi hindi kami nagkausap ng Gf ko dahil 5pm ng out ako ng office, dmeretso kila Jaymar. Niyaya ko sila ni Jayson magpunta kami sa bahay para mag Jam at mag record ng kanta. naaaaa hehe turned out nag games na lang kame kasi hindi rin makasundo ng gusto kong timing ng bass ung pag bbass ni Jayson hayyyyz. si Jaymar naman ay hindi pa kagad naka Jam, naiwan pa siya sa apartment nila at tinatapos ung pag copy ng files na naka save sa Memory Card galing sa PC ko. mga 9:30 pm yun sa wakas nakanta ko na ung iba ibang compositions ko noon ung lates ko Last August 29, 2011 "hindi ko alam"- ung title hehe at si Jayson yung first na nakarinig. hmmm maganda daw pero mejo bdtrip lang ako kapag naikkompara yung song ko sa ibang kanta. may hawig daw. sino naman ang matutuwa na yung composition nya ay may kamukha? badtrip kaya yun. Next song na pinarinig ko na natawa naman si Jayson dahil sa flow ng story dun sa song ay yung isa sa mga favorite ko, ung "Detarip" a song about irony and politics and ofcourse piracy. haha. sunod ay ung mga luma ko pa una kong composition ung "Paano" song about my a man's doubt and searching for bravery to tell the girl yung feelings nya. Next song ay yung "Bahag hari" na na compose ko inspired sa conflict ng love dahil sa ung guy ay na-inlove sa second cousin niya. next ay ung na compose ko dahil sa wowoweee ung kantang "The Daily show". tamang jam, namimiss ko tuloy sila Pwetro, Bindoy at RB. tsktsk. sila kasi talaga ung mga ka band mates ko na astig sa saktuhan. :D. umabot ng 10:45pm. mjo Lilo na ako sa sounds nakakahiya kasi sa mga kapitbahay :D games muna kami
nakitext si gf kay Carmela at sabi nya tawaga ko siya. mag eexpire ang load ko ng 12am. aysus. tinatawagan ko naman naka off ang cellphone niya. tsktsk. bukas na nga lang.
11:30pm muwi na si Jayson may aasikasuhin pa aw kasi siyang papers the next day.
12:30pm nag aya si Jaymar na kumaen kami ng burger sa burger machine, un lang kasi ang bukas na kainan na malapit sa apartment ko mga 300 meters away :D
habang naglalakad ay sa kabilang kanto may mga nakatambay sa nakasaradong tindahan. mga 4 na tao sila. 1 babae, 2 lalake at 1 bakla. unti unting lumalapit sa amin ung 1 lalake. araw araw niya ako nakikita halos dahil sa skwater area sila sa tabi ng company na tinatrabahuan ko. Ang lakas ng confidence niya na lumapit sa akin at maghiram ng lighter kung meron daw ako. sabi ko "wala hindi kami nag yoyosi mga goodboy kami hahaha" nainsulto ang lolo mo at tinawanan na lang ako sabi niya goodboy? laos na un. sabi ko naman ah oo nga laos na. laos na kami kayo na ang uso kasi mga taong kagaya mo walang nararating sa buhay. derederetso lang kami n lakad at tamang kwentuhan pa rin. nagparinig pa ang bruha sabi niya pagbalik daw namin magdala daw ako ng yosi. hindi ko n lng pinansin. pero sakto bukas pa pala ang tindahan na malapit sa burger machine at nakabili pa ako ng Tanduay ICE :D 2 tinidor pantutusok ko sa mga mata niya at guntin papanggilit ko sana sa leeg nya. pag punta ng burger machine tamang kwentuhan pa rin kami ni Jaymar tungkol sa games, ahm nga pla nag start ung kwentuhan namin sa games dahil sa pagiging related namin sa mga eksena na nagrereflect sa totoong buhay namin. ang hilig naman kasi namin ay yung mga Mature genre at simulation games. ngayon nahahawaan ko na siya sa silent hill tpos metal gear. :D
habang naglalakad kami pauwi iniisip ko na gagawin ko kapag na encounter pa namin ung badtrip. mejo nanggigigil na rin ako. (To think na umeextra lang naman siya sa company namin at ako a taga office, bwisit pra hind nya ako makilala at irespeto diba?)
bago naman ako nakarating sa ganito ay masasabi ko naman na kahit papano ay na work out ko rin naman ang position ko. hindi rin kaya basta basta makahanap ng trabaho sa panahon na ganito. tapos i trato ako ng laseng-laseng-pag-nasobrahan-praneng-praneng.
tingin sa langit. tingin sa kawila. tingin sa salamin. tingin sa pambigte.
sa likod nang isip mo may nagtatanong
sa likod nang isip mo may nangungulit
sa likod mo ayaw mong pansinin
sa likod mo hindi ka titigilan
Hello hello! Sino ako? Sino ka?
Hello hello! Sino ako? Sino ka?
Hello hello! Sino ako? Sino ka?
No comments:
Post a Comment