Isa nanamang araw dito sa office.....
Empty...... feeling ko ang empty empty..... prang may kulang......
dahil lang ba hindi nya talaga ako pinapansin. badtrip ba sya sa akin? wala naman akong maisip o maalala na nagawa kong mali o laban sa kanya. ayaw ko ngpakiramdam na ganito. Feeling ko ako'y basura.
Pag may nakkwento ako na negative results o outcome ng mga nangyayari sa akin feeling ko nakikinig yung mga taong tila naghihintay ng mga bagay na magsisilbing kabayaran ko sa pagiging cold sa kanila.
Meron lang akong isang shot sa bawat sandali ng buhay. isang try lang at walang rewind.
Kanina sablay ang pag gamit ko ng presentation. Medyo nahirapan kc ako sa Libre Office Impress kanina. d ko mahanap yung pang edit ng font color. na upset ko si mam vangie na asawa ng bigboss namin for the second time. Feeling ko ngaun kahit magpaliwanag ako hindi ako nya ako papakinggan dahil ang iisipin nya ay excuses nanaman ang ginagawa ko. 2 weeks ago na pla nung binigay ni kuya zaldy yung lineup ng songs kay mam mariter na hindi nai-forward sa akin. hindi kasi ako nakapasimba kahapon kea hindi kmi nkapag kita sa church. kung nag church lang sana ako ay wala sanang magiging problema.
Dalawa ang badtri sa akin ngaung araw na ito. Yung Crush ko at si Ma'am Vangie. Salamat nangalang talaga sa cobra at vitamin e na bigay ni mami at medyo cool pa ang mood ko ngayun. kung wala yun siguro bagsak nanaman ang self esteem ko. lagi ko na lang kalaban yun sa sarili ko. Hindi ko ma-stablize.
Failures?
sabi ni Alex band "We've all been there".
sabi naman ni Matchbox Twenty "Let's see how far we've come".
gusto ko sana kasi ay ung tipong na mamanpulate ko ang balance ng mood ko at developments sa mga bagay bagay.
Kasalanan nga daw ang magbasa ng horoscope... pero sa tulong kasi nun ay nagagawan ko ng paraan na ma prevent ang mga badtrip sa paligid ko. nakakatulong din sa akin para mamaintain ko ang pagiging energetic.
Dahil sa puyatdin kagabi, hindi ako nakalpag tennis kaninang umaga. na mmiss ko na nga ulet ang court.
Sana makapa laro kamini Boss bukas.
Si Mary, na mmiss ko pa rin sya. hindi rin naman madaling isipin na yung taong minsan naging kasama ko sa pangarap at akala koay sya naangmakakasama ko habambuhay ay biglang magigising ako isang umaga na wala na sya. wala na yung kulitan namin sa umaga at paglalambing nya hindi ko maiwan hanggang hindi na ako makapasok sa office.
kailangan ko maitayo ulit ang sarili ko. sa gitna ng laban ko emotional. although maymga times na maganda ang start ko. sa mga bandang gitna ng laban ay napapadapa pa rin ako. okay langnaman yung diba? ibibigay ko ang best ko na makatayo ulit at hindi sumuko. focus sa work at career. Mga projects na dapat kong matapus. at mga taong bibigyan ko ng trabaho.
isang shot pa. paggiigihan ko na.
isang shot pa. kaya ko pa.
isang shot pa. patutunayan ko.
No comments:
Post a Comment