Sunday, October 23, 2011

Sakit ang ulo

October 22, 2011

Masakit ang ulo.. para ding hangover.. sakit sa loob ng utak na tiponghindi mo matatakasan ang paghihirap ng isip dulot ng mga bagay bagay na dumating at resulta pagkilos sa mga ito. Yep, nakakasawa talaga. Sino ba naman ang hindi magsasawang magtrabaho para magbayad ng utang? Bukas ng umaga may schedule ako ng computer repair sa cubao. 2 computers so hoping kikita ako ng 700 pesos. pandagdag din sa bayarin sa bahay na tumataginting na siyam na libo at kailangan kong mabayaran ang apat na libo sa loob ng dalawang linggo. huh? san ako kukuha nun? yayks! sa work nagtitipid din ako ngayon sa pagkain resulta ng lalong pagka stress ko sa work. Sakit nga tlga ng ulo gets? hahaha. agahan ko isang tasang mainit na energen at isang pirasong pandesal. bale 7pesos bwahahahaa. Sa tanghali naman ako bumabawi. Actually adobong manok ulam ko kanina. Maya mayang konti after ng breaktime ko inum naman ako ng cobra energy drink yung green. Sa hapon, kape naman or salabat or energen ulet. Sakit ng ulo dahil kakatapus lang namin magusap nung tumawag sa company cellphone si Ma'am Via na anak ng Big Boss namin habang nasa pangasinan sila ng asawa niya si sir mike. Nabasa nya na daw yung email ko tungkol sa utang ko na siyam na libo (ibang utang nanaman ito, utang ko sa company dahil sa mga sukli na hindi ko naibalik at kulangkulang mga palpak na expenses reports ko. Yep, sisihin mo na ako dahil pagkakamali ko yun nung mga panahon na andami kong gastos kasama pa nung nagpabunot ako ngipin, mapuputulan na ng kuryente, ilang holidays with no pay at bagyo. hayyyyyyyz. Bwisit na buhay ito puro na lang bayad. Minsan dumadating pala talaga sa buhay ang sobrang nakakainis na pagkakamali sa mga desisyon. Siguro hindi na talaga ako yung dating magaling pagdating as mga ganito. Sakit ng ulo ko hindi pa rin nawawala. Sumatutal na 18,000.00 ang problema ko ngayon. kakaltasan ang 13th month ko. plus January at February yung another half ng utang. Nagalala pa man din ako dahil mahilig sa adventures ang girlfriend ko. Kung mawawala sa amin yun dahil sa wala akong pera, baka magsawa na siya sa akin at mahulog sa iba...... Sakit ng ulong hindi ko rin matulungan ang pamilya ko at kapatid kong si lois sa financial problem nya rin. hayyyyz may mga plano kami ni Sir Jess na projects na mapagkakakitaan pero naka-hang pa rin yn at wala pang malinaw na structure ng plan. Sana magka project na ako!!!!!!!!!!!! kahit sangkatutak ng pc repairs lang God! Sakit ng ulo ko. Ipapahiniga ko na lag muna siguro ito. after 20mins work nnman.

No comments:

Post a Comment

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...