Friday, November 11, 2011

Tulala


November 11, 2011

7:12am nakahiga pa sa kama ko at nagising sa tunog ng cellphone (txt)Happy 14th monthsarry dadi! -mary.

tulog ulit

7:32am gising at tingin sa android ko ng oras. tulog ulet

7:43am dilat ulit. ambigat pa ng mga mata ko. idlip ulit

8:02am late na ako sa office. Tayo hugot ng plug ng electric fan at charger ng android tablet.
baba ng hagdan. bukas ng ilaw sa cr. laba ng mga puting damit "konti lang naman".
pagkatapos ligo. wash ang wear pa nga brief ko e.

ayaw ko nang tumingin sa oras....... ayaw ko na munang tumingin sa oras....

tutbrush, ayos ng damit at mga gamit.. ayaw kong tumingin ng oras..

alam kong may mga bagay na lagot ako. kabado, lakas tibok sa dibdib. anong oras na? bakit ka late?)))))))))

pero ang mas kinatatakutan ko ay ang kasera kong malakas ang boses lalo na kapag naniningil. nasa walong libo pa ang utang ko sa bahay. november 11 na at kailangan kong mabayadan na ang 4 na libo bago mag December.

kailan ko nang pumasok sa opisina. hindi ko mabuksan ang pinto. natutulala. hindi makakilos. mga 9:15am na for sure. sa tabi ng pinto ay nakalagay ang bahay ng cute na cute kong kuneho si Somochi. naiba ang isip ko nang mapatingin ako sa kanya. kaya nilapitan ko at kinumusta xa. Nung bubuksan ko na. ang pinto para makaalis, naalala ko nanaman ang kasera sa labas kaya hindi ko nanaman mabuksan at natulala na naman ako.....

kailangan tanggapin ang realidad. kung wala pa akong pambayad edi wala. tanggapin lahat ng maari nyang sabihin. yuyuko na lang ako. bahala na. "bukas ng pinto, labas lock ng pinto" harap sa gate, tingin sa mga tao, lingon sa kaliwa. Hmmmm ung mga guilt na nararamdaman ko, maaring sabihin mong kausapin ko na lang siya pero hindi. hindi na siya maniniwala sa paliwanag ko dahil kailangan nyang makita ang ang literal na pera na ibibigay ko mismo sa mga kamay niya. labas ng gate. Tumingin sila sa akin pero dere deretso lang ako na parang wala lang.

late na ako. ang sarap mabaliw na lang at tumakbo palayo sa lugar na ito. kasabay ng gumuglo sa isip ko ay ang mga usapan namin ng girlfriend ko kahapon tumawag siya. Gusto nya daw magkausap ng starnger at ikwento lahat ng problema nya tapos biglang magpaalam at tapos na. naiinggit daw siya sa mga classmates niya na nagkkwentuhan sa likod niya tungkol sa mga highschool lovelife nila at nalungkot ang girlfriend ko dahil naalala niya na walang nanligaw sa kanya nung high school. feeling nya walang nagkakagusto sa kanya ng personal. kung meron man daw ay iba ang habol. nainis ako sa kanya kaya sa halip na mapakinggan ko siya ay nasermonan ko pa siya sa phone. sabi ko kasi ay hindi naman niya kailangan malungkot at wala ring may gustong malungkot ka. Kung ganun ang nangyare noon ay hindi mo naman kasalanan yun at hindi na rin naten mababalik. "balik ka ng high school" -text ko sa kanya.

nagalit din siya sa akin dahil dun. "hindi ba pwedeng makinig ka lang sa akin?" text nya. natulala ako nung mga time na yun kahapon mga 4:55pm. na realize ko hindi ko na ma handle mga bagay bagay. ang gulo ng isip ko hindi na ako makahinga. hindi ko rin alam kung may sakit pa ba ako, hindi pa ako makapag pa check up sa doctor dahil wala pa akong kapera-pera.

major problem ko, "PERA". nagtatrabaho ako sa office para mabayadan ang mga utang ko na kulang pa sa sinasahod ko. huh? ano po yun? mag iba ng job? nope hindi ko pa magawa dahil walang sasalo sa akin sa mga time na naghahanap man ako ng trabaho, requirements etc.

last month nag post ako sa facebook. tungkol sa total ng sahod ko kada linggo at nag comment ang ate ko nasa korea, Php1,153 sa korea daw ay $1,153 sa factory worker lang. ewan ko. palpak ba talaga ang desisyon kong tumira dito sa novaliches, o ako ang may pagkukulang talaga dahil masyado kong binalewala ang pag handle ko ng gastusin noon. ahm sigurado ung second reason ang swak. nakababad pa mga damit ko sa bahay. nagdadalawang isip ako kung uuwi ba ako kagad mamaya pag out ko ng 5pm o puntahan ko si sir jojo at tapusin ang kulang na repair sa computer niya tapos sunduin ang girlfriend ko sa cubao.  hmmmm kung si sir jojo ang unahin, hindi ako makakapag linis ng bahay. hmmm pero mas priority ko kumita ng pera so siguro unahin ko na lang si sir jojo. hayyyyyz. kaya ko to. stress lang talaga ang bumabalot sa isip ko kaya nahihirapan ako.

No comments:

Post a Comment

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...