Saturday, March 23, 2013

Humming Birds


Maraming nagsasabi at naguturo tungkol sa pagkakaroon ng pag asa. Nagkalat angmga inspirational quotes sa facebook. Madalas, nakkapag share din ako ng mga pananaw. Habang sinusulat ito ay may naririnig akong himig ng mga ibon sa abas ng bintana ng kwarto ko. Naaalala ko tuloy ang kanta ni Bob Marley na "Don't Worry". Mga ibon nga daw sa kanyang doorstep ang kumakanta nun. Ansarap isipin na halimbawa ay ganun din ang mensaheng mga ibon sa akin. Bihira na lang kasi ako makarinig nun dahil madalas tweet ng mga users sa tweeter ang nagging laman ng utak ko. Naglalaban sa isip ko kung magisimula ba akong mag kwento tungkol sa isang tao at tungkol sa aking karanasan o kaya nama'y pagmamasid sa kanino man. Pero iniisip ko ay baka mawalan ulet ng patutunguhan ang storya. Nakakapagod mag bigay ng pakakataon. Dahilsa ngayon, lahat ng nagdaan sa aking babae ay wala na. Nakatira ako sa mismong trabaho ko. Isang floor lang pagitan sa opisina. Ligo at pag inum ng kape na lang ang pagitan, pasok na.

Ang buhay ay para talagang nobela. Halo halong panahon at sitwasyon sa mga bagay na hinding hindi mo inaasahan. Madaling sabihin na laha ng ito ay ipasalamat sa Diyos at nararapat lang naman. Minsan mahirap lang maalala kapag may mga dumarating na mabibigat at para bang napakahirap lampasan. Yun naman ang naging dahilan ng paglayo ko kay God. Minsan nakakapag taka at ang hirap maunawaan kung ano ba talaga an plano sa akin ni God. Kahit kasi tinalikuran ko na ang pagsisislbi, heto pa rin at ako'y pinagpapala nya.
Nabubuhay ako ngayon, malayo sa pamilya ko. Isa na lang sa mga kaptid ko ang natitira kong naitturing kong kapatid. Nagttrabaho ako ara sa sarili kong surival, ng hindi ko alam kung anung magiging kinabukasan ko. Hindi ako pwedeng magpamilya ng ganito ang sitwasyon ko.

Tahimik akong tao. Pasumpong sumpong lang ang pagiging madaldal ko depende sa sitwasyon. Kaya ayaw kong magtrabaho sa sales field dahil hindi ko kayang mai-stable ang isip ko na mag concentrate sa social o public relations. kayang kaya ko lang naman mag react at mag comment sa social networks e pero sa tunay na buhay, kailangan kong manimbang muna sa paligid bago ako nakakapag salita ng may confidence.

Sa halo halong emosyon. Madalas kong hanapin sa sarili ko ay kung "Nagawa ko ba ng tama at naayon sa normal na paraan" ang mga bagay bagay. Number 1 frustration ko kapag nagiging awkward ako.

Sabi ulet ng hummingbird sa labas,
"Okay lang yan"
"Magiging okay ang lahat"....

:)

No comments:

Post a Comment

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...