Friday, March 30, 2012
Anu ngayon? hehe
Matagal na naman bago ulet bago ako nakapag open ng blog. latest ko ay ung sa isang page kutsilyonilenlen.blogspot.com. Lyrics yun ng latest kong composition na nabuo galing ang inspoirasyon sa wallpost ni annalyn lazaro na sinamahan ko ng life experiences ko nung bata pa ako.
Isang dahilan kaya nakakapagblog ulet ako ngaun ay dahil kakaalis lang ng girlfriend ko. haha.
Well ako ngaun ay may bagong business, Ice Candies. Okay naman mabilis lang nauubos mga deliveries ko and hoping na maubos dn kagad ung deliveris ko kanina. kwento ko ulet wwork muna ako. :) bye
Friday, February 10, 2012
Ngaying gabi. Isipin mo naman ako
Kung bakit ba tayong mga Pilipino ay sadyang nasanay na ihango ang buhay sa pelikula? haha. Instead na pelikula ang ihango sa tunay na buhay e baliktad kadalasan ang nagyayare,
Madaming mga tao ang umaasa na magiging okay ang lahat na kagaya sa bawat ending ng nakasanayang teleserye. Hmmm. hmmm.hmmm.. anlayo nun sa tunay na buhay: mga happily ever after, till death od us fart, habambuhay tayong magkaibigan, hindi kita iiwan, kahit parehas na tayong malayo ang marating at magkapamilya kaibiganpa rin kita, hindi kami lilipat ng bahay dahil gusto ko malapit lang ang bahay mo sa amin, ahmmm. anu pa ba? palagi akong maglukluto ng sopas, magtatanim ako ng magtatanim ng okra. mamimitas ng kasoy. tatakbo at aakyat sa puno ng bayabas, kapag sinagot mo ako ikaw na ang papakasalan ko, sana magka lakas na ako ng loob na sabihin yun sayo (Hakhakhak).
Kung sabagay andali nga naman makalimutan ng kaunti ang stress at problema sa pamamagitan ng pag hanga sa pelikula. Minsan an sarap isipin na ako si spider man na mag sswing swing sa syudad. ahm paraan para makaalis sa unstable na kalagayan.
Pero anghindi madalas mapansin ng tao ay kuing gaano kahaba ang storya. hmmmmmm natatawa ako kpag naaalala ko yung twilight na ang girlie ng storya at wlang action. magpapakita pa ng abs ang artista. hakhakhak. nag post nga ako sa wall ko sa facebook e: team edward? team jacob? team selene! hakhakhak pero kahit ano pa man ang kategorya ng buhay. palagi nating kailangan mag move on. move sa next scene. both kailangan i let go. masaya at malungkot. upang magkaron ulet ng bagong mga masasaya at malulungkot. kagabi ko sinimulan ang blog na ito. kaso lumapit sa akin ang kapitbahay koat knausap ako tungkol dito sa tablet ko. tapos nun inantok na. kaya, heto ngaun ko lang ituloy. nag text si mary kakatapus nya lng daw mag jogging. 17th monthsarry na namin ngaun february 11 :) hnd p kmi magkikita ngaun dahil nasa ulb xa at napagusapan namin na sa 14 n lng kmi mag kita para saktong valentines day. hehe sana makapag dala ako ng bulaklak. :) sa loob ng 17 months andame nang nangyare. angdaming kategorya. may romance, drama, action, suspense, .... porn. hakhakhak. pero habang tumatagal lalo xang gumaganda. lalong nag mamature ang beauty ng girlfriend ko. ako naman daw ay tumataba hehe. and im so happy kc for the first time may nakapansin naman na tumataba ako. lagi n lng kcng snsabing ampayat ko. sana lagi ko syang mapasaya. sana isipin nya ako palagi. para lalo nya akong mahalin.
Wednesday, February 1, 2012
Ayaw ko nang bumaba sa byaheng ito
Wednesday, January 25, 2012
My Heart really hurts. i think you broke it.
Monday, January 23, 2012
Na miss mo ba ako?
Tuesday, December 27, 2011
December 27, 2011
Kagabi 2am na ako nakatulog. Supposedly 11pm. Pero medyo nahirapan ako makatulog ng maaga dahil gumugulo sa isip ko thinking na kontra pa rin daw ang Mommy ni mary na mag bf xa (kontra sya sa akin).
Ang buhay..... napaka awkward at ironic talaga. Habang some people admires you, yun namang mahalaga sa iyo ay hindi ka gusto ng pamilya. para bang sa iba youre a tiger pero sa iba naman parang uod ka lang. Tsktsk.
Well I couldnt take a hold of them all. Un ang perception nila e.
December 25, 2011. Pagkagaling sa kapatid kong si Lois kasama ang dalawa pa naming kapatid na si Sam At Chriset (hinatid ko kasi sila sa bahay ni Lois). Byahe ako pabalik ng Batasan hills. Nagmamadali pa dahil nag text na si obren na kababata ko since 1992 (antagal na rin noh?) Na bilisan ko na at dumating na ako doon 2hours ago. Hahahaha. 9:30pm katok sa gate.
Hello everybody! (Sa isip ko, who you? Who you? Who You? Sino tong mga chicks na to?) Hayyyz. Okay go! Anjan nmn cla richard na currently may anak na baby girl 2 years old. Kala nga namin noon bading tlga xa e pero naunahan pa kmi mgka anak. Tsktsk.
24hours ago. Same time 9:30pm andun ako sa apartment na tinitirhan namin. Nagdala ako ng cake para contribution ko sa christmas party. May videoke na narentahan. Hindi ako kmakanta sa videoke noon kc feel ko lng tlgang kumanta kapag nag gigitara ako.
Hindi pa nag ttext ang girlfriend ko since kagabi nung sinabi nyang malungkot siya at muntik nang umiyak dahil ayaw ng mommy nyang may bf sya.
Downside ng event namin (back to obren and makmaks event) may bisita sila tatlo. 1 bading 2 pangit at isang maputing girl> I tried my best to break the ice. Una I confessed na fan ako ng android platform devices. Then nalasing na ako at naging makulit sa mga barkada ko. Which is a total turn off. Well inaasar ko lang naman sila thinking in the back of my mind sila nang mga guest ang naging center ng attention. I mean what kind of reunion is that? I entertain ang guest at kalimutan ang reminiscing ng past for over 15 years ng friendship na minsan lang sa isang taon mangyare?
After ng party i did my best na makauwi ng bahay ng hindi nasusuka.
Pag dating ng bahay buga ang kalam ng tyan sa enedoro. Pupu. Linis. Kaen. Kape. Tulog.
Dami talagang hirap i explain sa buhay. Minsan ansarap na lang maging baliw para hindi na naiintindihan ang hirap at takot mawala ang saya. Pilitin ko na lang maging maligaya ngayung gabi sa pagtulog ko. Feeling ko wala akong pakiaalam sa sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga sa akin buo ako at kaya ko ang sarili ko. Kaya kong alalayan ang sarili ko. Ang lhat naman ng pagpipilit maging masaya ngayon ay pansamantala habang wala pa ang girlfriend ko na tanging nagpapasaya sa akin sa kabila ng kawalan ng pag asa. Uuwi din sya. 2 weeks na lang mula ngayon.... zzzzzz
CONTINUATION......
Friday, November 11, 2011
Tulala
Wednesday, November 9, 2011
Pagkatapos nang "after"

November 9, 2011 10:14am
Nandito sa canteen ni ate Emer sa baba ng office namin. hmmm. Kmusta na kaya si mingming ngayon? kaninang umaga gumising kami ni Mary ng 5:30am. Sobrang antok tumawad pa nga kmi ng 3minutes e kaya 5:38 tlga kami bumangon :D. Nag ayos lang ng gamit ang girlfriend ko tapos 6am umalis na kami ng apartment. higop muna ng coffee wait lng.. shhhhhhhhup. Ahmmm kmusta naman kami? hmmm okay naman. medyo dami as in sobrang dami kong bayarin ngayon sa bahay, kuryente, tubig, tindahan, mga utangutang sa pama pamasahe, utang sa office at itong android na ginagamit ko hindi pa ito bayad. Hayyyyz sobra nga ako nagtitipid ngayon e. halos hindi na talaga kami makapag date ng girlfriend ko. Nagaalala nga ako palagi kasi baka ma boring siya habang nagsstay sa bahay. Sanay kasi yun na lagi kami may activity sa labas. Alam mo ang sarap din ng great taste coffee na 3 in 1. Wag naman kasi lagi na lang kopiko o nescafe, try mo naman iba. haha.
Buhay ko ngayon, hindi ko alam kung papano ko gagawin mga trabaho ko sa office sa bawat araw. sa dami ng pending na task para kasing wla ako matapos or kung meron man hindi naman na aappreciate ng bosses ko. hayyz.
bumaba pa ako ng tricycle kanina at tumakbo pabalik sa bahay dahil naiwan ni mingming ung charger ng cellphone nya. nasa laguna na siya ngayon at 3 1/2hrs p lng kmi nghiwalay pero miss ko nanaman siya..... every weekend "mostly" muuwi xa ng apartment namin kapag wala xa ibang schedule sa school nila or assignments na bonggang bongga. minsan naman sa bahay niya na ginagawa assignments nya at tinutulungan ko xa minsan :). 2 days na lang 14th monthsarry na namin yey! dami nang nagyare sa amin grabe parang compressed na lifetime.
babalik na pala muna akong office, tuloy ko kwento mamaya :)
nagtext na si mingming :) lunch na daw kami :)
1pm ako nag breaktime ngayon. nakakatamad kasi mag lunch kanina. tinapos ko pa ung ni-edit ko na labels ng handsets sa office. tska ung mga ni-root kong android tablets. hayyz risky ang pag rroot pero mpagkakakitaan ko ng extra money at mgging better ang performance ng tablet nila. sana lang maging successful. mga future projects, puro pangako lang naman. nakakasawa na rin ma experience ang mga cancelled na trabaho kakainis. pag-uwi ko sa bahay mamaya tambak pa labahin ko at kabado rin muwi ng maabutan ang kasera ng apartment. wala pa kasi ako pambayad. eto naman si presidenteng noynoy dinagdagan pa ang holiday tuloy minus 1 day pa ang paid sa akin. wala kasing bayad ang holiday sa akin maliban kung national holiday.
kaninang umaga nung nakasakay kami sa bus ng lovidubs ko sobrang antok pa namin kea umidlip kami habang nasa biyahe papuntang cubao. around 2am na ako nakatulog dahil may mga ginawa pa ako kagabi. sayang hindi namin naabutan ung bus nakaalis na so mag hintay pa kami mapuno ang sunod na bus bago umalis. pero oks lng. kmaen kmi ng puto at taho hehe miss ko na yung taho kaya sakto din. pinaupo ko si mary sa seat na malapit sa driver. lapitin kc ng nangangausap un girlfriend ko na un kea malapit din sa danger. hindi kasi marunong magsungit ang lola mo. sa akin lang nya kayang magsungit. hahaha. awwwwww. sakit lalamunan ko sa acids. inum nga ako tubig.
Tuesday, October 25, 2011
Ang estado ng isip ay laging pansamantala. Ang tagal nito ay depende sa tatag ng paniniwala ng tao. Mag-away tayo ngaun, pansamantala, pwede ring pangmatagalan. Mahal kita ngaun pansamantala, pwede ring pangmatagalan. Ang galing mo! bilib ako sayo! (Yun ay habang wala pang ibang mas magaling hahaha).
Ang Politiko ay paniniwalaan depende rin sa estado ng isip. Ito kasi ay madaling buohin kasing dali kung manakaw o masira.
Nung isang araw habang nasa office ako may tumawag sa cellphone ko nag iinquire tungkol sa post ko ng GPS tracker. Sabi niya kailangan nya na daw mismong araw na iyon the same time kinausap ako ng boss ko na pumunta sa Manila Bulletin. 3pm ako aalis at hahabulin lang ang office nila hanggang 5pm para maipress release the next day
Sunday, October 23, 2011
Sakit ang ulo
October 22, 2011
Masakit ang ulo.. para ding hangover.. sakit sa loob ng utak na tiponghindi mo matatakasan ang paghihirap ng isip dulot ng mga bagay bagay na dumating at resulta pagkilos sa mga ito. Yep, nakakasawa talaga. Sino ba naman ang hindi magsasawang magtrabaho para magbayad ng utang? Bukas ng umaga may schedule ako ng computer repair sa cubao. 2 computers so hoping kikita ako ng 700 pesos. pandagdag din sa bayarin sa bahay na tumataginting na siyam na libo at kailangan kong mabayaran ang apat na libo sa loob ng dalawang linggo. huh? san ako kukuha nun? yayks! sa work nagtitipid din ako ngayon sa pagkain resulta ng lalong pagka stress ko sa work. Sakit nga tlga ng ulo gets? hahaha. agahan ko isang tasang mainit na energen at isang pirasong pandesal. bale 7pesos bwahahahaa. Sa tanghali naman ako bumabawi. Actually adobong manok ulam ko kanina. Maya mayang konti after ng breaktime ko inum naman ako ng cobra energy drink yung green. Sa hapon, kape naman or salabat or energen ulet. Sakit ng ulo dahil kakatapus lang namin magusap nung tumawag sa company cellphone si Ma'am Via na anak ng Big Boss namin habang nasa pangasinan sila ng asawa niya si sir mike. Nabasa nya na daw yung email ko tungkol sa utang ko na siyam na libo (ibang utang nanaman ito, utang ko sa company dahil sa mga sukli na hindi ko naibalik at kulangkulang mga palpak na expenses reports ko. Yep, sisihin mo na ako dahil pagkakamali ko yun nung mga panahon na andami kong gastos kasama pa nung nagpabunot ako ngipin, mapuputulan na ng kuryente, ilang holidays with no pay at bagyo. hayyyyyyyz. Bwisit na buhay ito puro na lang bayad. Minsan dumadating pala talaga sa buhay ang sobrang nakakainis na pagkakamali sa mga desisyon. Siguro hindi na talaga ako yung dating magaling pagdating as mga ganito. Sakit ng ulo ko hindi pa rin nawawala. Sumatutal na 18,000.00 ang problema ko ngayon. kakaltasan ang 13th month ko. plus January at February yung another half ng utang. Nagalala pa man din ako dahil mahilig sa adventures ang girlfriend ko. Kung mawawala sa amin yun dahil sa wala akong pera, baka magsawa na siya sa akin at mahulog sa iba...... Sakit ng ulong hindi ko rin matulungan ang pamilya ko at kapatid kong si lois sa financial problem nya rin. hayyyyz may mga plano kami ni Sir Jess na projects na mapagkakakitaan pero naka-hang pa rin yn at wala pang malinaw na structure ng plan. Sana magka project na ako!!!!!!!!!!!! kahit sangkatutak ng pc repairs lang God! Sakit ng ulo ko. Ipapahiniga ko na lag muna siguro ito. after 20mins work nnman.
Friday, September 23, 2011
Squishu and Somochi.
kagabi bumili ako ng kuneho sa tulay ng Commonwealth patawid ng Ever Gotesco na kasama ko pa si Obren Paragas dahil nagkataon na nagkita kami sa loob ng Ever GOtesco habang hinihintay ko si mama na hindi ko makontakt dahil nasa kanya ang Cellphone ko na naiwan namin ng mahal kong Girlfriend kong si Mary Lonzano nung pumunta kami sa bahay nila mama last weekend. dahil may Cellphone si Obren, pinaloadan namin at tinawagan si Mama na parang walkie talkie ang boses dahil sa palpak na Cellphone nya na binili nyang second hand kasi. dahil wala pang reply o sagot sa call namin, umakyat muna kami at namili ako sa Cdrking Ever Gotesco sa 3rd floor. at pagbaba namin sakto nasagot na ni mama at nagkakita kami sa gate ng mall. Binigay ko ang 500 (humingi pa ng 100) tpos nag bbye, alis. pagtawid ng tulay andu na ung rabbit na bbilhin ko. dapat ung white kaso lalake pla ei may lalake pa akong rabbit sa bahay ay pangalan nya ay Somochi. Php 150.00 lang sa mamang may nakasabit sa tyan na box. Considering cute na cute na rabbit!!!!! hehe
Another day with Loiue
I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...
-
January 25, 2012 8:57am Nag-away kami ng girlfriend ko nung isang gabi pa. This time medyo mahirap palagpasin na okay lang kaagad ...
-
Breaktime ko ngayon. Kakatapus ko lang kumain ng gintaan isda nila ate emer. Usually umuuwi ako ng bahay para magpahinga. Matulog. Pero ngay...

