Wednesday, August 22, 2012

Byaheng korea. More seats availlable

Mag iisang taon na simula nung nag aaya ang ate ko at ang asawa nyang si Leo. Isang canadian.

Maganda daw dun at malakas ang internet. Isa sa mga bansang nauuna sa technolohiya. Pag iniisip ko yun, na eexcite nga ako e.
64 mbps daw ang speed ng internet doon. Di gaya dito sa pinas 763kbps (wala pang 1 mbps) :/

Mga prettyng koreans. Yeah! Gusto na sila ma meet!! Hehe

Medyo na babagalan nga lang sa akn ang ate ko sa pag asikaso sa korean language school. Wla pa kasi akong eraps. Nahihiya din akong sagutin pa nila ate y g schooling ko sa ngayon na hindi na nga ako nakakatulong kila mama sa bayarin. Minsan minsan nakakapag padala ako. Minsan nga lang yun at dame pang katumbas na sacrifice. Not to mention yng galit ng kasera ko.

Ganito lang buhay ko. Tennis sa umaga na medyo naudlot nga talaga itong mga nakaraan.
Office, gps, cctv, pagiging supervisor, gawa ng proposal. Bili ng gamit pc sa office at iba pang gadgets. Assist sila pastor sa pag operate ng projector. Church. Badminton. Kain. Tulog. Games, puyat, cobra. Ikot ikot dun.

Pero actually puro destruction ako itong mga nakaraan. Pano naman kasi hindi ko rin naman bastamg maiaalis sa sarili kong ma miss ang ex ko. Naiisip ko pa rin sya.

Ahm sa blog na ito dahil nai share ko na kila ate ung URL ko, hindi na malabong mabasa nila eto. Pero ni cconsider ko naman talag ang byaheng korea na ticket ko y  sa new life na gaya ng tinatamasa nila doon. Depende rin siguro sa klase ng work. Pero sabi nmn nila kht factory worker lang dun ay maganda ang kita.

Mejo hindi rin pa ako confident sa sarili ko dahil maliban sa tagalog, hindi talaga ako sanay makipag usap ng obang language. Kahit nga english ay nauubusan ako pag kausap ko ang asawa nya e. Which turns out na parang ayaw ko makipag usap sa knya. Actually na bblanko lang ako.

Gusto ng mga kaibigan ko na sumama doon. Gusto nilang makuha din opportunity. Nag chat nga kami ninate kanina e. Sinabi ko sa kanya kung okay lang ba yjn. Ang sabi naman nya ay ang mahalaga, ako ang makapasa muna sa exam. Sana nga. Pero aaral muna ako.

ehem, mukhang need ko na rin ng korean chatmate ;) like ko yan. Hehe great idea, hihingi nga ako kay ate ng ka chat mamaya hihihi. :-)

10 more minutes before time.

Technology qng buhay ko. Yun nga ang dahilan kung bakit ako nakakuha ng position ko at ng respeto mula kila Tennis Master. Sa akin sila umaasa ngayon pag tungkol sa computers. Ilang beses na nga nila gusto magpa tutor sa akin e. Naka ilang session na rin ako ng pag conduct ng seminar sa android. :)

I really love computers. They a only ones that never let me down. Maliban lang kung bumigay ang hardware. Hakhakhak.

Have to go n ulet for now. Bbye! :-)

Ram


Nasa jeep

Nasa jeep ako ngayon. Kakapagod maghanap ng mabiilhan ng widows installer. Hindi ako nakapag tennis ngayong araw na ito. Mas pinili ko kasing mag prepare sa pagpunta sa bahay nila mam gloria. Konting kikitain. Okay na rin ito atleast may solbi ang araw ko.

Kanina on d way bago sumakay ng bus papuntang cubao, dumaan muna ako sa barangaynat nireklamo yug siga kagabi. Nung inaalam nla yung bahay ko ayun, ginamit ko google earth :-)

Bilib pa nga sila sa tab ko e. Okay naman atleast may record na yung gago na yun dito nka blotter na sya. Kilala pala ng mga tanod at ang payo pa nila sa akin ay isumbong sa tatay ung adik na yun.


Tuesday, August 21, 2012

Tulog sa umaga, nananaginip sa gabi.

Hindi ko alam kung bakit mas ganado akong mag sulat ng blog kapag andun ako sa canteen. Iba lang din kc talaga ang ambiance kapag may mga tao sa paligid na busyng busy sa kanya kanyang buhay.

Organito siguro, andun yung crush ko? Haha joke lang.

Iba rin kc ang inspirasyon kapag konti lang ang oras para makapag kwento. Halimbawa, 30m minutes lang ang pagkakataon para makapag kwento or sosobra ako sa breaktime. Hehe

Ilang gabi na rin akong hindi nakakapag puyat. Lalo na nung nagsimula akong mag tennis :-)

Sa katunayan nga hindi na ako napuyat kagabi kc gising na ako ng 30hrs. Hahaha natapus ako maglaro ng deus ex 6am adik noh?

Na miss ko rin kc talaga yung game na yon tagal ko nang hindi nalalaro e.

Kaninang umaga, deretso ligo at naglaro na kami ni Aron ng tennis sa goodwill tennis court. Sarap kanina kc first time namin makalaro ng doubles. Hehe nakakahiya pa rin nga ang palo ko e. Nawawala pa rin sa direksyon. Peri atleast nakakapag continental service na rin ako kahit papano (wala bang congrats jan?) Hehe. :-)

Natapus ang session nung nag open na yung kabilang court at umalis na sa game namin si arvin (bagong kakilala namin sa tenjis kanina lang) anlufet nya nga mag 360 habang napapa spin nya pa yung bola pataas kapag nagkakataon na sibrang lapit sa katawan nya yung balik ng bola. Astig!

Naalala ko nga si bryan kanina after ng mga ilang paloan namin sa rally ay nag sshadow smash sya habang kinukuha ko yung ball. Sabi ko sa kanya "nakakainip matutunan noh?" Sabay ngiti. Gusto ko na kasi matutunan yun. Kanina din after ng doubles nag try ako mag walling ulet may lumapot na isa pang mama at as usual tinatanung nya ulet kung papano ang grip na ginagawa ko. Same lang din naman sila ng sinasabi: ilapag ang racketa sa lupa at kunin. Ung position ng pagkuha habang nakalapag ay ganun daw dapat ang pag grip. Hindi ko pa kasi ma perfect, yjng amgle ko sa walling ay palaging paiba iba ang direksyon. Tntry ko ulet yung sinabi ni boss art na parang pa-kutos nga daw. Dapat may follow through, may konting slice. Yun, tntry o ulet at medyo nakukuha ko na :-)

Ang sarap mag tennis, lalo na at ang mga players doon sa court ay mga pro. At ngayon, 4 na kaming mga newbie sa game. Si Bryan, ako, si Aron at ang pinsan ni bryan na si France (bagong friend namin kanina).

Nangangarap akong maging magaling na tennis player someday. Mga ilqng years pa ng practice kc ang ni rerequirw ng game na yun lalo na sa akin. Matagal kasi ako matuto pero pag natutunan ko yan hehe weeeew! Saya ko siguro nun!

Umuwi kami ni aron kanina bago mag 11am,  bale 4hours dn kami nakapag laro. Grabe di ko nga namalayan yun. Hehe. Lagi lang kasing 6am to 7:45 ang game namin. Kaya kanina medyo matagal :) enjoy. Dapat nga babalik pa kami ni aron doon. Dapat iidlip lang ako ng 30mins. Sobrang i it kasi nung naglakad kami pauwi. Plus wala pa akong tulog at gutom pa. Nagmadali nga lang ako kanina makapag prepare ng food kasi nasusuka na ako sa gutom.

Nananaginip ako kaina habang mataas pa ang araw.

Nagising ako 2pm at nisip ko hindi na lang muna bumalik sa court. Sayang nga e nangako pa man din ako kila bryan na babalik kami. Kaso antok na antok ako kanina. Yung antok na rare na talagang tamad na tamad ako at gusto ko lang matulog. Nga pala ang daholan ng pag babakasyon namin ngayon ay dahil sa holiday. Di ko nga sure kung anung holiday e basta holiday. :)

Tulog ako ulet.

Nagising naman ako nga 7pm. Woah angsarap ng tulog ko na yun!

Ininit ang kanin sa rice cooker, nag request kay mam mariter ng load sa globe tattoo at naghugas ng pinggan. Mya mya ay kumatok si Aron at pjnalaro ko na sya ng Deus Ex.

Sa sobrang hina ng signal ng globe dito ayun lumabas muna ako para magka signal nang may dumating na badtrip na dati ko pa xang nakaka badtrip. Nag parinig ng nagparinig hanggang sa napuno ako sa galit at kinuha ang kitchen knife at hinamon sya. Kasi bago pa ako makalapit ay pinigilan na ako nila ate fe, nanay ni aron na si ate mila at si shane. Hay naku. Mas nakakabadtrip yung badtrip na gusto mong manapak pero naoigilan. Tsktsktskkkkkkkkkkkk. Okay lang, may libreng yakap naman. Wla pa nga akong ligo e. Awwwww kakahiya.

Gusto ko na ngang mapatulog yng tao na yun for good eh. Yung tipong hindi na xa magigising.

Mula sunday, ngayon, at bukas ay walang pasok, bale 3days ko nang hindi nakikita si girl number four. Haha. Miss ko na ang pagka cute at mabango nya. ^_^

Nananaginip din ako pag nakikita ko sya. Panu naman, hindi talaga ako pwede sa kanya. Masyado na akong matanda. Halos kasing age ko nga kuya nya e. Ilang beses ko nang iniiwasan na pansinin sya kaso badtrip din talaga ako sa sarili ko, nagkaka crush pa rin ako sa knya. Tsktsk.

Kakina rin ay gusto ko talagang maka connect sa internet. Pahamak kasing signal ng globe yan e. Napaaway pa tuloy ako.
Gisto kong maka connect sa internet. Gusto kong ma view kasi yjng mga updates at messages sa akin, may nag rerequest na ayusin ko ng pc. Bukas, iniisip ko nga kung tutuloy ba talaga ako. Or gusto ko rin kasing mag relax.

Nag text si Mary sa akin kanina. Ppunta daw sya dito sa 25. Di ko pa nga sure kung anu possible na gawin ko or gawin namin. Hindi ko pa rin alam kung anu mga paguusapan namin at kung papano. Or baka yun na ang huling pagkikita namin dahil baka kukunin nya lang mga gamit nya at yun, bbye na. Hndi ko alam. Wala pa akong clue. Hayyz.

Gising pa ako ngayon. Pero nagsisimula nang managnip. :O

Hanggang sa muli.

-Ram


Friday, August 17, 2012

Girls and gals

Okay so medyo napaspasan ko na ang pagiging mapapapaniwala natin sa mga himala or sana kahit papano napakinggan mo ako. Hakhak.
So hindi ganun yun, hindi ganun yun (hindi naman ito tungkol sa pagiging negative okay?).

Kasi....

Girl number one.. "nirereto ba naman ako ni tito sa barkada niya e ang tanda tanda na nun"
(Sa yahoo mesenger, sya naman itong kamustw ng kamusta sa akin) rated bwisit number one

Girl number 2.. "wala na kaming contact, pinutol ko na rin kasi, nagsave ng phonebook at nagpalit ng number. Hakhak -ram"

Girl number 3... only to find out puro pautang lang pala ang silbi ko sa kanya, tsktsktsk

Girl ko, 3 words, wala na kami.

Girl number four, laging mabango at nasa harapan ko araw araw.
....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.....
Nagpapapwnsin ako sa kanya, dati ko pa naman sya gusto at alam naman nya yun. Kaya nga alam na alam nyang hindi ko sya matatanggihan kapag may favor syang hihingin sa akin e.

Hayyyyz hindi ko alam kung anung benefit nun sa akin. Wasting my time sa mga walang ka kwenta kwentang bagay. Yun girl number 3 nga e. Hayyyzwait lang naaamoy ko nanaman ang nakaka addict na perfume ni four. Tsktsk. Si girl number 3, wala muna pansinan. Yep antanda na kaya rin nya sa akin.

Gumagawa ako hg blog habang si aron na assistant ko ay nag ggames. Sa kaliwa ng round table na ito sa canteen ay nakaupo si kisses at sa kaliwa nya ay si crisel.

Si kisses, nag ccellphone.

Ubos nanaman ba ang oras?


Grrrr nag aksaya nanaman ba ako ng ilang segundo ng buhay ko?

Pwede rin ba kayang hindi ko sila isipin? Kung ganun, bigyan mo nga ako ng matinong girl na makakapagpa bago ng takbo ng utak ko?

Tsktsk,

Girls and gals.


Thursday, August 16, 2012

Cape, Kape, Caffe

Hihigop na lang muna ako nang kape.

Srrrrrrrrp. Shluuuuuuuurp.

Pasensya na maingay talaga ako uminom ng kape. Hind ko kasi mapigilan.
Gusto kp ma enjoy ang init at tamis at pait ng kapeng ito.

Gaya ng buhay ko. Masaya habang may kasabay na sakit.

Gustong maging manhid. Gusto ring makaramdam.

Gaya ng pait ng nadarama ko ngaun. Somehow gusto ko rin ito.

Sandali lang. 4 minutes pa bago matapos ang breaktime! Gusto ko lang mai share pa ito.
Gusto kong mag concentrate.

Hmmmmmmm langhap ng oxigen labang inilalabas ang init ng kape.

Paikot ikot ang buhay ko.

Kanina nabanggit pa dito sa canteen ang pangalan ni menuel na namatay na. Paborito daw nya yung kanta na tutugtog sa radyo.

Sa palagay ko ampanget naman kung susuko na lang din ako. Pero ano kaya? Nope, ang pagpapakamatay ang pinaka malalang kasalanan sa Diyos. Deretso impyerno un sigurado.

Wait lang 5 mins tawad pa pwede di ko pa naman na uubos ang kape ko e.

Add ng image, edit sa photoshop express.

Hayyyyz. Gadgets. Buhay ko. Mas maigi talaga dito. Ako lang ang masusunod. Ako lang ang gagalaw. Wala aasahan. Walang sasaklolo kundi si google. May tanong ka? Google. May problema ka? Google. Hind mo na kaya? Jesus. :-)

Kung bakit kung kelan pang nagkahiwalay kami ni Mary ay tsaka pa ako nagka time sa church ulet. Bindings ba talaga ang pagsasama namin ng hindi pa kami kasal? Conflict lang naman talaga noon ayy yung minsan lang kami nakakapag kita sa loob ng isang buwan kaya napagkasunduan namin na maging magkasama sa bahay ng almost every weekend. Parang sa kanya na kasi ang simba ko kaya sarili ko lang talaga ang masisisi ko.

Pero pano yun? Masaya nga kami although. Pero wala si God na namamagitan sana sa amin dahil hindi namin sya inaasikaso. Hindi namin siya binibigyan ng panahon.

Kape ulet... ay wala na pala.. hehe.
Nauubusan na rin ako ng dahilan.

Kailangan mag move on. Kailangan labana ang sarili.

Hanggang sa muli! Dami pa akong need na gawin. :-)


Tuesday, August 14, 2012

Panu kaya kung hindi namatay sa story si Jack ng Titanic?

Ayon sa karanasan ko...

Uhm.... Uhmmm. Uhmmm.


Hakhakhakhakhakhak

Hindi mo talaga pwedeng paghaluin ang tubig at langis.

Ang toyo, ang toyo, ay toyo.

Bakit ba kase masyadong nai- insist sa ating mga pagiisip ang pagiging happy go lucky kgya ni Jack Dawson?
Na tipong mga imposible ay posibleng maging posible? Naniniwala tayo da mga himala na meron dito sa mundo na nagiging advantage natin kono sa mga bagay na wala pa sa atin.

E hindi nga talaga yun ganun. One must or have to work on something para makuha ang kanyang hiling.
Walang shortcut. Walang tama sa lotto (e kasi nga ilan lang mga nakakatama dun).

Si Rose, ang ganda nya. Lalo na sa character. Only to find out last last month ayon sa internet. Siya daw ay nukb hater ng "My heart will go on" song na soundtrack ng movie nila. Tsktsk. Which makes me realize more na andame dame talagang misteryo sa mundong ito. Lalo na sa mga lihim ng mga tao. Well hindi naman natin yun kasalanan. Hindi rin nila.

Kakatapus ko lang mananghalian ngayon. Medyo binilisan ko kahit na tumatama sa ipin ko ang mga matitigas na buto ng bayabas na inihalo sa sinigang na baboy ni ate Emer na ina ng ka officemate ko na dating kong trainee na kung tawagin ko ay Sam Pinto sa kakasagot nya sa akin ng "bakit?" everytime na may sasabihin ako or i rerequest sa kanya.

Kagabi kakatapos ko lang mag upload ng recorded video ko sa youtube. "The Only exception" ng favorite band ni Sam (kisses).

Wala nga eh! Yan ang madalas kong sabihin sa sarili ko ngayon umaga hanggang mamayang gabi yan.

May mga taong hindi at wala at imposible talagang mag care sa atin kahit na alam pa nila na iniexpect natin sila.

Nung magpapakamatay si Rose, dumating si Jack for help. Nababaliw na sya nun. Ayaw nya ng pera. Ayaw nya ng kayamanan kung kapalit naman nun ay ang habambuhay na pagkakulong sa pagiging asawa ng isang taong hindi naman nya mahal.

What if tayo naman ang nasa side nung bad guy? Mdaming pera. Nakukuha lahat halos ng gusto hya. Sya yung winner dahil may pambayad sya. May bodyguards, etc. Tapos ang isang babae lang pala ang makakapag pa frustrate sa kanya? Badtrip yun. Sya nga nag provide nung diamond ring eh. Hakhakhal

Kung hindi namatay si Jack palagay ko, naghiwalay din sila sa part 2 ng titanic (malay mo sumakay ulet sila sa palubog na titanic) hakhakhak.
Pero that time ibang titanic na yun. Titanic ng relasyon. Buhay mayaman si Rose, dugyutin si Jack. Easy go lucky. Hindi sya magsisikap for sure. Alanganaman mag highschool pa sya? Mag college kaya? Even though, for sure isa sa kanila ay mapapagod.

Virgin si Rose or maybe ilang days or years or century nang walang sex life. Kaya nung may pagkakataon sila ni Jack habang may excitement ng "the chase". Ayun may nangyare na sa kanila. Yep hindi malabong mangyare yun.

Sobrang passion. Sobrang inlove. I think it is not just love at first sight. Yun ay love at the moment. That magical rare moment sa buhay. Very rare indeed. Yep i assure you it is very rare hahaha.

Dahil minsan lang mangyare yun. Susunod na araw na oras na minuto, wala na.

Wala na rin ang pag ibig.

Wala na rin ang paghahanap.

Wala na rin ang pag ddrawing

Mawawala na rin ang musika.

Wala na rin ang pagka sabik sa isat isa.

Im sure babalik si Rose sa buhay sosyal nya

At babalik si Jack sa buhay na malaya at masaya siya.

Sometimes people are meant to be who they are.

Even if they try to change themselves just for the sake of one person's dream, one will become tired.

Oh yes it is. Yes it does believe me.

If they survived from that ship, they won't survive the relation"SHIP".


-ram

Monday, August 13, 2012

Did I learned something out of it?

August 13, 2012 12:58pm.

Dito ulet sa canteen ni ate Emer....

Uhm....

Pasensya na kaibigan.
Ngaun lang ako ulet nagkaron ng panahon na magkwento.

Isa rin kasi talaga sa mga dahilan ay ang pagka sira ng tablet ko.

Anyways, meon n akong Ainol Novo 7 Aurora 2. :-)

Uhm...

Andami-daming activities. Andami daming pinagkakabisihan.

Hindi ko na matandaan ang eksaktong petsa last year nung nag celebrate pa kami ni Mary ng 1 year anniversarry.

Ngaun?

Mahal ko pa rin naman sya sa kabila ng mga pagkukulang ko at pagkukulang namin sa isa't isa.

Andami k din natututunan. Mga senior na kagaya ng Boss Art na talagang willing na turuan ako sa madaming categorya. Mula sa pag te-tennis, sa pagmamaneho at sa buhay. Life lessnons are infinite. Kahit na matanda na minsan ay parang ibinabalik pa rin tayo sa elementary school.

Oo, siguro ganun din ako sa lovelife. Gaya ng sinabi ni Mary sa text, "ang paghihiwalay maybe is the bitter pill to take". Sabi nya mahal nya pa rin ako pero hindi na gaya ng dati. Masay naman sya. Kapag nakakausapko sya sa phone ay as usual kasama nya friends nya. I'm sure mdami rin nasasabing negative ang mga friends nya about me ganun naman kasi mga kaibigan ko sobra hindi talag nila ako pinipigilan. Instead, sinusuportahan panila ako. Lalo na si Peter at ang kapatid ko. Naiinis ako pero wala naman na akong magagawa. Hindi ko alam kung ma w-in ko pa ba ulet ang love nya. Madalas namin mapag usapan yun dati angtungkol sa paghihiwalay.

Natatakot din ako noon. Natakot din akong magisa ulet sa buhay.

Pero yung pagiging stuck sa buhay na paulit ulit. Problemang pabalik balik. At pagkakamaling naipapamukha sa akin.

Hindi ko kailangan yun.

Mga prinsipyong hindi galing sa church. Paniniwalang galing sa pamantayan ng isip at libro na gawa ng sinuman awtor na hindi rin nananampalataya sa Diyos?

Alam ko kapag tama ako, alam ko rin kung mali.

Mahirap pala talagang magmahal. Hindi dito sapat ang pagiging sweet t at pagiging maalaga sa isa't isa. Hindi rin sapat ang mga away at pagkakabati sa huli. Kung wala ang Diyos sa na mamamagitan. Kung walang prayer at kaparehas ng pananampalataya. Wala rin ang pagmamahal...

Sa palagay ko hanggang ngayon ay wala pa rin akong natututunan.

Ang alam ko lang ay maymga dapat kong gawin at kailangan kong magingat. Sa mga gagawin ko. Sa mga ssabihin. Sa oras ng pagpapakita ng pagkatao atsa pagpili ng makakasama ko sa buhay.....

Kung magkakabalikan kami, well hindi na posible yun pero hindi rin imposible. Sya pa lang ang naging girlfriend ko na tumagal ng almost 2 years. 26 na ako ngayon peroandami o pang gustong gawin sa buhay. Gusto kong maging magaling na tennis at badminton player. Gusto ko rin makatapus ng kolehiyo at makapag abroad.

Sabi ko nga kay Boss Art "madam pa po akong kakaining bigas bago k mabutan ang talento nyo". ;)

Hanggang sa muli!

Ram.

Friday, August 10, 2012

Wala na nga ba talaga?

Ngaun, August 11, 2012.
Isang buwan bago ang anibersaryo namin ni Mary. Ika 2 taon na sana....
Ngunit hindi na mangyayari ang pagdiriwang. Wala nang selebrasyon.
Kapag iniisip ko yun, sinasabi ng isip ko na tama lang desisyon ko. Ngunit da puso ko ay madalas parang may kumakatok. Da isang pahagi ng panaginip ko ay kasama ko pa rin sya. Ayaw ko nang makita... ayaw ko nang isipin. Kahapon, matapos ang isang linggong walang paguusap, tinawagan ko sya. Kumusta na nga ba sya? Na mmiss nya pa kaya ako? Ngunit nang marinig ang boses nya sa telepono, wala, wala, wala.

Wala na nga ba talaga? Wal na nga ba ang pananabik? Tuluyan nang naglaho? Puso ko punong puno ng tanong at pagtanggi na pinamamagitan ng galit. Galit sa nanyari, galit sa sarili, sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa amin. Hindi nila maiintindihan, at hindi ko rin.

Wala na nga ba talaga? Wala na ba? Wala na?......

Saturday, April 21, 2012

USB

April 20,2012 7:32pm


USB Lampshade nakaconnect sa USB Wall charger. USB Speakers at USB Keyboard naka connect sa USB Hub na nakakabit sa Data transfer box ng android tablet.


Ako...... Nakakabit, nakakapit, nakadikit, umaasa.


Kadadarint lang ng Girlfriend ko. Tapos na kami mag hapunan ng barbeque at pechay baguio. Busog. Naantok na nga ako e. 


Ahm... kanina? Sa office. Biglang nangulit ang Boss ko sa akin. Ewan ko anggulo gulo nya ngayon araw na to. Bigla din tuloy ako napaisip na mag simula na mag apply sa ibang company. Yung company na deserve ko at deserve ako.


Sa sobrang gulo ng isip ko, bumabalik na lang sa zero. Zero emotion, zero thought. Ambilis bilis ng oras. 8:23pm na kagad samantalang kanina 7:12 pa lang.

Friday, April 20, 2012

Gusto ko, kaya may paraan.


April 20,2012 1:39am

Kakatapus ko lang gumawa ng ice candies. 16pcs nga lng nagawa ko kasi naubos na pala plastic bags ko. Ahm anung nararamdaman ko ngayon? hindi ko alam eh. Parang halong nasasanay na sa mga bagay na sinasabi ni Mary na masakit para sa akin at yung parang lumalayo na ang loob ko sa kanya. Nagulat ako nung April 17 ng gabi nung kinonfront ko siya tungkol sa mga gawain ditosa bahay na sana ay mapagtulungan namin at hindi yung lahat na lang ang ako ang gumagawa. Dami nyang aliby. Pagod, masakit ang katawan, wala sa mood, gagawa muna ng assignments, pagkatapus nya na lang mag games sa laptop nya etc. etc.

Hay ewan ko ampanget lang talaga sa pakiramdam thinking na andami ko gawain at resposibilidad. Sa office nga e andami ko nang hindi mahabol na reports at kailangan ko pa ma impress ulet ang bosses ko dahil kailangan ko makabawi sa mga pagkukulang ko sa work (absences at late).

Ngayon hindi ko alam kung ano ang mangyayare bukas. Kaninang umaga kasi galing ako sa pangasinan branch ng althea. Dumating ako dito sa bahay ng 7am. Kumain, tapos suppossedly iidlip lang dapat ako kaso nung nakatulog ako, 1pm na ako nagising. Galit pa man din sa akin si Ma'am Vangie kahapon dahil tanghali ako umalis papuntang pangasinan na neexpect nya ay 6am pa lang dapat nakaalis na ako. hindi ko naman masabi kay Ma'am na may iniiwasan akong tao doon kaya gusto ko talaga gabi kami mag trabaho ni Sir Mike which is mas okay naman kay Sir Mike. Dumating ako sa office namin dito sa novaliches mga mag 2pm na. Kaya hindi na ako nag time in. Nag check na lang ako ng emails ko at news feed sa facebook.

Nung nakita ako ni Ma'am, ramdam ko na frustrated na sya para sa akin. Patay malisya na lang siya nung nakita nya ako pag pasok nya sa room ni Windel. Tinawag ko si Ma'am bago masara ang pinto pag labas nya tapos sinabi ko kung bakit hindi ako nakapasok ng maaga. Tinapos kaagad ni Ma'am yung usapan namin sa pag sagot nya ng "Oo okay lang, okay lang". Pero ang weird sa pakiramdam ko na frustrate ko ang boss ko. :(

Mahilig si Mary manood ng Movie lalo na mga Romantic drama at iba pa. Tapos bigla bigla na lang siyang iiyak or gagawa ng eksena na ma drama. Minsan iniisip ko dinedepende nya yung mood nya ayon sa movies na napanood niya.

Hindi ba talaga pwedeng maging stable siya? Yung matured mag isip at cute the same time? ang nangyayare kasi pag matured siya, sobrang matured. Kapag isip bata naman sobrang pa baby naman (although baby ko naman talaga siya) minsan kasi parang sumosobra sobra kasi. :/

Laftrip naman tong tugtog sa kapitbahay ngayong disoras ng gabi at gumagawa ako ng blog, "Ako'y sa iyo, ika'y akin". :/

Umuwi na kasi ng Bicol yung nag iisa kong Bestfriend at kapuyatan ditong si pareng Jaymar. Wala na tuloy ako ka Jammin' hayyyyyy. Sila Peter naman anglalayo ng mga bahay.Medyo nagutom ako. buti na lang may RC pa sa ref at Piatos.

Kaninang gabi, nag text at call ang girlfriend ko. Nag ssuggest siya ng breakup. Ewan ko kung matutuwa pa ako o maiinis. Ang nangyare kasi, wala ako maramdaman. parang halong inis sa pagiging unstable ng decision nya at pagiging weak. madalas nahihirapan na lang ako.

Drama nanaman siya. Hihinge ng sorry pagkatapos. :O inaantok na ako. Hayy basta hindi ako naging masaya ngayong araw na ito. Andameng kulang. ultimo yung nag iisang pinagtatyagaan kong maka jammin sa canteen hindi rin ako pinakinggan sa pag tugtog. Tinuruan ko lang siya mag gitara. Kailangan ko makapag relax. Kailangan ko ng output. hindi ko kailangan ng drama ni Mary ngayon dahil ako ay hindi rin masaya. naghahanap ako ng mapapaghingahan ng stress hindi pampa dagdag ng iniisip.

kaloka.

antok na talaga ako.

Next time na lang ulet.

-ram

Friday, March 30, 2012

Anu ngayon? hehe

March 30, 2012 11:02am

Matagal na naman bago ulet bago ako nakapag open ng blog. latest ko ay ung sa isang page kutsilyonilenlen.blogspot.com. Lyrics yun ng latest kong composition na nabuo galing ang inspoirasyon sa wallpost ni annalyn lazaro na sinamahan ko ng life experiences ko nung bata pa ako.

Isang dahilan kaya nakakapagblog ulet ako ngaun ay dahil kakaalis lang ng girlfriend ko. haha.

Well ako ngaun ay may bagong business, Ice Candies. Okay naman mabilis lang nauubos mga deliveries ko and hoping na maubos dn kagad ung deliveris ko kanina. kwento ko ulet wwork muna ako. :) bye

Another day with Loiue

I woke up with a very bad headache. 6 in the morning. It is my toothache that causing the headache . So I got up, took medicine and b...