Ayon sa karanasan ko...
Uhm.... Uhmmm. Uhmmm.
Hakhakhakhakhakhak
Hindi mo talaga pwedeng paghaluin ang tubig at langis.
Ang toyo, ang toyo, ay toyo.
Bakit ba kase masyadong nai- insist sa ating mga pagiisip ang pagiging happy go lucky kgya ni Jack Dawson?
Na tipong mga imposible ay posibleng maging posible? Naniniwala tayo da mga himala na meron dito sa mundo na nagiging advantage natin kono sa mga bagay na wala pa sa atin.
E hindi nga talaga yun ganun. One must or have to work on something para makuha ang kanyang hiling.
Walang shortcut. Walang tama sa lotto (e kasi nga ilan lang mga nakakatama dun).
Si Rose, ang ganda nya. Lalo na sa character. Only to find out last last month ayon sa internet. Siya daw ay nukb hater ng "My heart will go on" song na soundtrack ng movie nila. Tsktsk. Which makes me realize more na andame dame talagang misteryo sa mundong ito. Lalo na sa mga lihim ng mga tao. Well hindi naman natin yun kasalanan. Hindi rin nila.
Kakatapus ko lang mananghalian ngayon. Medyo binilisan ko kahit na tumatama sa ipin ko ang mga matitigas na buto ng bayabas na inihalo sa sinigang na baboy ni ate Emer na ina ng ka officemate ko na dating kong trainee na kung tawagin ko ay Sam Pinto sa kakasagot nya sa akin ng "bakit?" everytime na may sasabihin ako or i rerequest sa kanya.
Kagabi kakatapos ko lang mag upload ng recorded video ko sa youtube. "The Only exception" ng favorite band ni Sam (kisses).
Wala nga eh! Yan ang madalas kong sabihin sa sarili ko ngayon umaga hanggang mamayang gabi yan.
May mga taong hindi at wala at imposible talagang mag care sa atin kahit na alam pa nila na iniexpect natin sila.
Nung magpapakamatay si Rose, dumating si Jack for help. Nababaliw na sya nun. Ayaw nya ng pera. Ayaw nya ng kayamanan kung kapalit naman nun ay ang habambuhay na pagkakulong sa pagiging asawa ng isang taong hindi naman nya mahal.
What if tayo naman ang nasa side nung bad guy? Mdaming pera. Nakukuha lahat halos ng gusto hya. Sya yung winner dahil may pambayad sya. May bodyguards, etc. Tapos ang isang babae lang pala ang makakapag pa frustrate sa kanya? Badtrip yun. Sya nga nag provide nung diamond ring eh. Hakhakhal
Kung hindi namatay si Jack palagay ko, naghiwalay din sila sa part 2 ng titanic (malay mo sumakay ulet sila sa palubog na titanic) hakhakhak.
Pero that time ibang titanic na yun. Titanic ng relasyon. Buhay mayaman si Rose, dugyutin si Jack. Easy go lucky. Hindi sya magsisikap for sure. Alanganaman mag highschool pa sya? Mag college kaya? Even though, for sure isa sa kanila ay mapapagod.
Virgin si Rose or maybe ilang days or years or century nang walang sex life. Kaya nung may pagkakataon sila ni Jack habang may excitement ng "the chase". Ayun may nangyare na sa kanila. Yep hindi malabong mangyare yun.
Sobrang passion. Sobrang inlove. I think it is not just love at first sight. Yun ay love at the moment. That magical rare moment sa buhay. Very rare indeed. Yep i assure you it is very rare hahaha.
Dahil minsan lang mangyare yun. Susunod na araw na oras na minuto, wala na.
Wala na rin ang pag ibig.
Wala na rin ang paghahanap.
Wala na rin ang pag ddrawing
Mawawala na rin ang musika.
Wala na rin ang pagka sabik sa isat isa.
Im sure babalik si Rose sa buhay sosyal nya
At babalik si Jack sa buhay na malaya at masaya siya.
Sometimes people are meant to be who they are.
Even if they try to change themselves just for the sake of one person's dream, one will become tired.
Oh yes it is. Yes it does believe me.
If they survived from that ship, they won't survive the relation"SHIP".
-ram